^

PSN Opinyon

Mapanganib na trabaho

K KA LANG? - Korina Sanchez -

IBA na talaga ang nahuhuli ng CCTV ngayon. Sa Sanchez Mira, Cagayan, nakunan ng CCTV ang pagpatay kay Melania Dirain, isang opisyal ng DENR doon. Kitang-kita ang pagmasid ng killer sa kinalalagyan ng biktima, at kung paano niya pinagbabaril. Babae ang biktima, pero tila wala sa killer iyon! Binalikan pa at pinagpatuloy ang pagbaril dahil nakaisang putok lang sa unang pagpasok sa opisina at nabulabog ng isang janitor na nataon na nasa loob din ng opisina. Mabuti na lang at nakunan ng CCTV ang killer na malinaw na binayaran para patayin si Dirain.

Illegal logging ang dahilan kung bakit siya pinatay. Ayon kay DENR Regional Director Benjamin Tumaliuan, wala nang ibang aspeto o anggulo pa na dapat imbistigahan kundi ang illegal logging. Sa pagpasok pa lamang ni Melania Dirain ng isang buwan, tatlong kaso na ang inaasikaso. Isang buwan pa lang iyon! Marami diyan, ilang dekada nang nasa trabaho, wala pang nagagawa! Kaya siguro pinapatay si Dirain dahil sa kanyang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas kaugnay ang illegal logging.

Matindi nga ang illegal logging sa Cagayan. Kapag malayo na sa Maynila, mas matitindi ang krimen at mas walang takot at respeto sa batas. Pinakita ng video na ito ang mga peligro at panganib na hinaharap ng mga opisyal ng DENR. Kaya na rin marami ang “nakikisama” na lang at baka mapatay pa. Baka hindi rin sila masisi dahil wala naman silang proteksyon. Katulad na lang nitong opisina. Walang guwardiya man lang para itanong kung saan pupunta ang isang taong hindi kilala. Kung may guwardiya o tao man lang sa bungad ng gusali, hindi sana nakapasok ng kusa na lang ang killer! Kapag mas maraming hadlang, mas mahirap ganapin ang krimen. Eh dito, napakalapit ng opisina sa pasukan, kaya nga nakabalik pa yung killer at halos inubos ang bala sa biktima!

Malinaw na sa video ang problema na hinaharap ng DENR. Malinaw na kailangang aksyunan ng gobyerno. Kung talagang seryoso ang gobyerno na labanan ang illegal logging sa bansa, kailangang bigyan ng proteksyon ang mga tauhan na handang gampanan ng tapat ang kanilang tungkulin. Nakataya ang kanilang buhay. Dapat lang na bigyan ng proteksyon. Dapat ding bigyan ng sapat na panlaban. Kung hindi, naglolokohan na lang tayo sa paglalagay pa ng mga opisyal ng DENR sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kung hindi masusuhulan, papatayin na lang!

DAPAT

DIRAIN

KAPAG

KAYA

KUNG

LANG

MALINAW

MELANIA DIRAIN

REGIONAL DIRECTOR BENJAMIN TUMALIUAN

SA SANCHEZ MIRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with