NOONG Huwebes (Pebrero 2) ay ipinagdiwang ang Kapistahan ng pagdadala kay Hesus sa Templo ng Jerusalem. Sinabi ni Simeon: “Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil at magbibigay karangalan sa iyong bayang Israel”.
Sa unang pagbasa ay sinabi ni Job na ang buhay ng tao ay sagana sa hirap, mga pagsubok at ang pag-asa niya ay lumalabo sa Panginoon. “Batbat ako ng tiisin”. Sa mga pagsubok sa buhay ay lumalabo ang kanyang pag-asa subali’t hindi nawawala ang kanyang pana-nampalataya. Doon siya lubos na kinakalinga ng Diyos. “Panginoon ay purihin, siya ay nagpapagaling”.
Kung ginagawa ito sa sariling kalooban na may gantimpala ay walang kabuluhan, ngunit kung ito ay ginagawa bilang pagtupad sa tungkulin sa Panginoon alang-alang sa Mabuting Balita ay may kabahagi ito sa Kanyang pagpapala. Sa ebanghelyo ay pinagaling ni Hesus ang maraming maysakit: ang biyenan ni Pedro at mga inaalihan ng demonyo. Matapos ang Kanyang pagpapagaling ay pumupunta si Hesus sa ilang na pook at doon Siya nananalangin.
Si Hesus ang ating Divine Healer. Sa misyon ng pagpapagaling ni Fr. Fernando Suarez, CC ay ito ang kanyang panalangin: “Lord, look upon me with eyes of mercy. May your healing spirit rest upon me. It is through your power that I was created. Since you created me from nothing you can certainly recreate me. Fill me with the healing power of your spirit. May your life giving powers flow into every cell of my body and into the depths of my soul. Mend what is broken. Cast out anything that should not be within me. Rebuild my bro-kenness. Restore my strength for service in your kingdom. Touch my soul with your compassion for others. Touch my heart with your courage and infinite love for all. Touch mind with your wisdom that my mouth may always proclaim your praise.
Teach me to reach out to you in my need, and help me to lead others to You by my example. Most loving heart of Jesus bring me health in body and spirit that I may serve you with all my strength.”
* * *
Job 7:1-4, 6-7; Salmo 146; 1Cor 9:16-19 at Mk 1:29-39