Barangay at mga residente ng Ayala-Alabang laban sa krimen
NAPAGKUWENTUHAN namin ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang malaking tulong ng mga opisyal ng barangay at samahan ng mga residente sa pagsugpo sa krimen sa kanilang lugar. Napabalita ang ganitong pangyayari sa Ayala-Alabang Village sa Muntinlupa City.
Sa isang forum, sinabi ni General Pedrito Magsino, regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region, na malaki ang naitulong ng Barangay Ayala Alabang (BAA) at Ayala Alabang Village Association (AAVA) kaya nadiskubre at nalansag nila ang sindikatong gumagawa ng shabu sa nasabing lugar.
Base sa impormasyon, noong Agosto 2011 ay napansin ng AAVA Security ang kahina-hinalang sirkumstansiya sa ilang kabahayan sa village kaya isinailalim nila sa monitoring ang mga ito.
Disyembre 2011, sinabi sa kanila ng PDEA na magsasagawa ito ng “stakeout operation” sa isang bahay. Ang naturang bahay pala ay isa mismo sa mga una ng mino-monitor ng AAVA Security.
Noong Enero 6, 2012, sa tulong ng AAVA at barangay ay ni-raid ng PDEA ang nasabing bahay na ginawa palang “shabu laboratory.” Dito ay naaresto ang ilang suspek at nakumpiska ang mga equipment at raw materials sa paggawa ng droga.
Sa pamamagitan ng mga impormasyong nakalap ng AAVA Security sa kanilang monitoring, natunton at ni-raid din ng PDEA ang ilan pang bahay sa village na ginawa namang bodega ng sindikato at dito ay nakumpiska ang mga “finished products” na shabu. Ang lahat umano ng detalye ng naturang operasyon ng PDEA ay sa ilalim noon ng “strict confidentially
protocol” at tumupad naman dito ang mga opisyal ng barangay at AAVA.
Ayon kina BAA Chairman Alfred Xerez Burgos at AAVA President Dr. Leandro de Leon, patuloy silang kikilos upang ang kanilang lugar ay maging ganap na “drug-free” at sa kabuuan ay “crime-free.”
* * *
Birthday greetings: Senator Loren Legarda at Bishop Joel Zamudio Baylon (Jan. 28) at Bishop Warlito Cajandig (Jan. 30).
- Latest
- Trending