^

PSN Opinyon

'Naihatid na sa hukay.'

- Tony Calvento -

WALA ng hihigit na ligaya na maipakita mo ang iyong pagmamahal sa isang asawa’t ama kundi ang mabigyan ito ng pagmamahal sa huling sandali ng kanyang buhay sa mundong ibabaw.

NOONG NAKARAANG LUNES, naitampok ko ang istoryang “Ihahatid kita sa hukay. Problema ni Germilina “Mimie” Arceo, 62 taong gulang ng Norzagaray Bulacan at ng kanyang buong pamilya.  Ang tanging hiling nila ay mapauwi ang bangkay ng asawa.

Namatay ang kanyang mister na si Leopoldo “Pol” Arceo sa edad na 64 taong gulang. Mahigit isang buwan na ang katawan nito sa ibang bansa (SAUDI ARABIA) at hindi ito mapauwi.

Matapos ang dalawang linggo magmula ng sila ay lumapit sa aming tanggapan, dumating na din ang labi ni Pol nitong ika- 19 ng Enero 2012.

Nakipag-ugnayan kami sa opisyales ng Department of Foreign Affairs (DFA) kay Undersecretary Rafael Seguis. Binigay namin ang lahat ng impormasyon tungkol dito kay Pol. Lumiham din kami sa ating embassy sa Saudi Arabia via mga emails at text messages.

Si Pol ay nagtatrabaho sa Al Yamama Company noong taong 2005. Nadestino siya sa King Fahad Airbase bilang “electrical supervisor” sa bansang nabanggit.

Noong Hulyo 2009 ang huling bakasyon sa Pilipinas ni Pol. Malaking tulong ang pagtratrabaho niya sa ibang bansa dahil natustusan niya ang pangangailangan ng kanyang buong pamilya.

Ika-8 ng Disyembre, tinawagan si Mimie ng isang nagpakilalang Chris Vasquez, katrabaho ni Pol.

Ikinwento nito na habang nagtatrabao si Pol ay biglang tumaas ang ‘blood pressure’ nito at inatake. Nagkaroon ito ng ‘hemo­r­rhage’ sa utak. Nung sinakay si Pol papunta sa ospital ay bumubula na ang bibig at hindi na humihinga. Na- ‘comatose’ ito.

Sa Afif General Hospital na-confine si Pol. ‘Respirator’ na lang ang bumubuhay dito. Lumaban si Pol hanggang sa bumigay na rin ng tuluyan ang kanyang puso.

Ika-15 ng Disyembre tuluyan nang binawian ng buhay si Pol.

Sobra ang sakit ang dinadala ni Mimie lalo na’t sa Marso ay mag­reretiro na si Pol. Magtatayo na sana sila ng negosyo sa Bulacan.

Nais niya na mapadali ang pagpapauwi sa katawan ng asawa upang mabigyan ito ng disenteng libing.

“Mahal na mahal ko ang asawa ko. Tulungan niyo naman ako na mapauwi na ang bangkay niya. Gustong-gusto ko na siyang makita parang awa niyo na,” umiiyak na sabi ni Mimie.

Inilapit namin ang problemang ito kay Usec. Seguis.

Nakipag-ugnayan siya kay Ezzedin Tago ang Philippine Ambassador to the Kingdom of Saudi Arabia. Mabilis naman ang naging aksyon nila. Nakatanggap kami ng report na sa Jeddah pala namatay itong si Pol.

Ang ATN na si Ado Ponciano ang kumilos upang maasikaso ang mga kailangan sa pagtanggap ng pamilya ng bangkay ni Pol.

Sumunod nabasa namin ang reply ni Usec. Seguis sa email. Galing ito sa ‘Consul General’ ng Jeddah na si Uriel Norman Garibay. Nakasaad doon na naayos na raw ang mga tseke para sa ‘end of service benefits’ ni Pol. Inasikaso na rin daw ang ‘clea­rances’ na importante sa proseso ng pagpapauwi ng katawan nito. Nakipag-usap na rin sila sa ‘cargo company’ na magdadala ng bangkay sa Pilipinas.

Nitong Biyernes, nakapanayam namin sa aming programang CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) itong si Mimie.

“Maraming salamat po nakauwi na kaninang madaling araw ang mister ko. Dahil sa inyo napadali ang pag-uwi. Sobra ang pasasalamat ko sa inyo Sir at sa lahat ng tumulong lalo na kay Usec. Seguis ng DFA”, sabi ni Mimie.

Napag-alaman ni Mimie mula sa katrabaho ni Pol na matapos niyang humingi ng tulong sa amin ay may nagpuntang taga-embahada ng Saudi at ‘consulate’ upang tumulong at asistehan ang pagpapauwi kay Pol. 

Kahapon, January 21, 2012 naihatid na sa hukay si Pol ng kanyang pamilya.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang kaso ni Pol ay hindi na dapat imbestigahan ng isang ‘medico legal’. Wala namang krimen o ‘foul play’ na nangyari sa pagkamatay nito kaya mas mabilis sana itong napauwi.

Hindi namin maintindihan bakit nagtatagal ang pagproseso ng mga papeles para maiuwi ang bangkay.

Alam din naman namin na maraming inaasikaso ang ating DFA na kaguluhan sa Gitnang Silangan at importanteng mailikas ang ating mga kababayan na nasa gitna ng peligro. Nagtagal man ang pagbalik ni Pol ang importante andito na siya at naihatid na sa kanyang huling hantungan.

IBINABALIK namin ang papuri sa Panginoon at ang pasasalamat sa buong pamunuan ng DFA lalung-lalo na kay Usec. Rafael “Paeng” Seguis na hindi tumitigil sa pagtulong sa lahat ng ating mga kababayang OFW’s na nangangailangan ng tulong.

Ganon din kay Mr. Ezzedin Tago sa ating embahada sa Saudi Arabia at Uriel Norman Garibay naman ng Jeddah sa agarang aksyon para sa pagpapauwi ng bangkay ng ating kababayan.

Nag-uumapaw ang aming pasasalamat sa mga tunay na bayani kaya umusad ang kasong inilapit sa amin ni Mimie ng ganitong kabilis. MABUHAY kayo!

SA PUNTONG ITO, nais kong papurihan ang Register of Deeds ng Calamba (buong Laguna) na si Atty Casiano Arcillas.

Mapalad ang mga taga-Laguna na ang taong ito ay talaga namang sobrang sipag. Nung Sabado magtatanong lamang ang isa nating kababayan na taga-Italy tungkol sa kanyang lote sa San Pedro at kami’y sumubok lamang tumawag sa tanggapan ng LRA sa Calamba. Nagulat ako nang mapag-alaman ko na nandun si RD Arcillas. Nagtratrabaho kahit Sabado.

Ang isang ‘public servant’ na ginagawa ang kanyang trabaho at tapat sa paglingkod sa kanyang tungkuling sa oras ng dapat siya’y nasa opisina (office hours) ay karapat-dapat sa kanyang tungkulin. Subalit ang isang ‘public servant’ na tulad ni RD Arcillas na kahit araw na sila’y magpahinga, nasa opisina pa at tahimik na ginagawa ang kanyang trabaho ay dapat parangalan at kilalanin ang kanyang mga pagsisikap!

Admin Eulalio Diaz kahanga-hanga itong tauhan ninyo at dapat siyang tularan ng iba pa ninyong mga kawani. “He is definitely an asset to your office”.

Ito ang mga taong kailangan ni Presidente P’Noy Aquino para tumulong maisayos ang mga tanggapan ng LRA na ang iba d’yan ay napakagulo at maraming anomalya. Bilib kami kay RD Arcillas.

(KINALAP NI AICEL BONCAY) Sa gustong dumulog, ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Boulevard, Pasig City simula Lunes-Sabado.

* * *

Follow us on twitter: Email: [email protected]

KANYANG

KAY

LSQUO

MIMIE

POL

SEGUIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with