'Pedophilia'
NAKAKASIGURO ka ba na ang komunidad na kina-lalagyan niyo ay ligtas para sa iyong mga anak?
O baka naman sa iyong pag-aakala na mabubuti at mababait ang inyong kapitbahay, isa pala sa kanila ay pedophile.
Pedophile ang tawag sa mga taong may sekswal na pagnanasa sa mga bata o menor de edad.
Ayon sa isang clinical psychologist, karaniwang matanda o may edad ang gumagawa ng ganitong krimen.
Sexual gratification ang naidudulot sa isang pedophile kapag hinahawakan niya ang maseselang parte o di kaya’y pinapahawakan niya ang iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan sa kaniyang biktima.
Sa Pilipinas, pasok ang kasong ito sa Republic Act 7610 o Protection Against Child Abuse, exploitation and discrimination. Walang piyansa ang sinumang lumabag sa batas na ito.
Sa ibang bansa katulad ng Estados Unidos, matindi ang kampanya laban sa pedophilia. Sex offenders kung tawagin ang mga suspek sa ilalim nito.
Mas matalim ang pangil ng kanilang batas na tinawag na Megan’s Law dahil habambuhay na nakatatak sa isang sex offender ang kaniyang paglabag.
May kakayahan ding imonitor ang mga alagad ng batas kung sino-sino ang mga may record, may kaso at nahatulan sa kasong ito.
Agad nalalaman ng bawat komunidad kung may sex offender na nasa kanilang lugar, kasama rito ang mga pedophile.
Sa kasamaang palad, wala pang ganitong sistema ang Pilipinas. Nasa kamay ng mga magulang ang pag-iingat sa kanilang mga anak na huwag mabiktima ng mga ganitong kriminal.
Ang nakakalungkot dito, kadalasan ay nadidiskubre ang mga krimeng ito kapag tapos na o di kaya’y matagal ng nangyari ang krimen.
Sa murang edad kasi ng mga bata na edad 14 pababa, inaakala nilang walang masama sa ginagawa sa kanila ng nakatatanda lalo na’t kung ang kapalit nito ay pera, pagkain at laruan.
Hindi dapat binibigyan ng puwang sa lipunan ang ganitong uri ng kahayupan at pananamantala, nararapat na parusahan sa pinakamatinding abot ng batas ang sinumang nasa likod nito.
Isa na rito ang kasalukuyang tinatrabaho ng BITAG.
Abangan!
- Latest
- Trending