^

PSN Opinyon

Natatanging pananaw ni Trillanes sa verdict

SAPOL - Jarius Bondoc -

DALAWANG abogadong senador ang paulit-ulit nananawagan sa mga kasamahan. Desisyunan daw dapat nila ang kaso ni impeached Chief Justice Renato Corona batay sa ebidensiya at wala nang iba. Sa kakukulit ng dalawa, nakakapagsuspetsa tuloy kung, bago pa man magsimula ang paglilitis, may pasya na kaya sila? Kumbaga, sila pala ang walang balak makinig sa ebidensiya dahil buo na ang isip kung acquittal o conviction.

Mabuti pa ang pinaka-bata, dating sundalo at walang kiyemeng senador na si Antonio Trillanes IV. Walang pagpapanggap niyang sinasabi na hindi niya sa ebidensiya ibabatay ang pasya. Ibabatay daw niya ito sa kung ano ang pinaka-mabuti para sa bansa.

Pinag-aralan ni Trillanes ang kanyang paninindigan. Lahat umano ng dalubhasang kinonsulta niya ay nagsabing isang judicial process ang impeachment. Pero higit doon, ito’y isang political process. Ibig sabihin, hindi lang talaga ebidensiya kundi konsiderasyong pampulitika ang dapat isaisip ng mga senator-judges.

Ani Trillanes, kung ang pakay ng mga umakda ng Konstitusyon ay purong judicial process lang ang impeachment, e di sana ipinaubaya na nila ang paglilitis sa Korte Suprema, ang judicial branch of government. Pero hindi, iniatas ito sa Senado, isang political branch of government katulad ng Kamara de Representantes at ng Ehekutibo. Sa madaling salita, nais ng mga constitutional commissioners nu’ng 1986 na magpasya ang mga senador batay sa makakabuti sa bansa.

Sa kaso ni Corona, ano kaya ang makakabuti sa bansa? Kung i-acquit siya, ano ang mangyayari? Maisusulong ba ang katarungan? E kung i-convict siya at alisin sa puwesto, ano ang kahihinatnan? Babalik na ba sa normal ang sitwasyon? ‘Yan ang dapat isaisip, ani Trillanes.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

ANI TRILLANES

ANTONIO TRILLANES

BABALIK

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DESISYUNAN

EHEKUTIBO

IBABATAY

KORTE SUPREMA

PERO

TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with