'It's the tongpats, Madam'
GAYA nang inaasahan natin noon pa ang aabot sa hangganan si Madam Senyora Donya Gloria at bubuwelta kay President Benigno “Noynoy” Aquino III.
Humirit nga siya kamakailan kung saan ang pinag-basa pa niya ng banat o resbak niya ay isang economics professor na gaya niya ay aral sa United States.
Buong akala kasi ng mga ekonomistang mga ito, lalo na si Madam Gloria ay matindi ang pinag-aralan nila. Kung totoo ito, bakit kalampag ang ekonomiya ng US at malapit na rin natin makitang naghihirap ang mga Amerikanong dati-rati ang tingin sa buong mundo ay pag-aari nila.
Anyway, bago tayo malayo nang husto, hinagupit ni Madam Gloria si P-Noy na pinalalabas niya ay tamad at walang nagawa para sa ekonomiya ng bansa. Pinagbintangan pa niya si P-Noy na umangkin ng kanyang mga achievement o mga nagawa sa bayan. Pinagmalaki pa niya na sa kanyang siyam na taong paninirahan sa Malacañang ay gumanda ang ekonomiya ng bansa.
Ang dami niyang figures na pinakikita, mga datos na walang silbi sa ating mga ordinaryong mamamayan na ang tanging basehan ng kaunlaran ay ang kaginhawahan ng buhay.
Ayon sa kanya, umunlad ang Pilipinas sa pamumuno niya, gumanda ang buhay ng sambayanan.
Hanggang sa araw na ito, hindi nakayapak sa lupa si Madam Gloria. Hindi niya maintindihan o hindi maarok bakit ganoon na lang ang galit ng sambayanan sa kanya, sa pamilya niya at sa mga kasabwat at kaalyado niya.
Pinalalabas pa nila na biktima sila ng black propa- ganda at mga imbento ang mga isyu laban sa kanila. Nahihibang si Madam Gloria at kanyang mga kaal-yado at may nakakalimutan silang simpleng problema.
Sabi niya “It’s the Eco-nomy, Student,” pero ang dapat niyang malaman, “It’s the Tongpats Madam.”
* * *
Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa [email protected]
- Latest
- Trending