^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi nagpapahinga ang mga terorista

-

NAGHIHINTAY lamang ng tamang pagkakataon ang mga terorista para sumalakay at maghasik ng lagim. Kaya hindi dapat maging relaks ang lahat. Dapat maging alerto hindi lamang ang pamahalaan kundi pati na ang mamamayan.

Sabi ni Defense Secretary Voltaire Gazmin, hindi pa tapos ang alerto sa terorismo sa Metro Manila at patuloy pang hinahanap ng Philippine National Police (PNP) at military ang mga grupong nagbalak maghasik ng kaguluhan. Noong Lunes, binantayan nang todo ng PNP at military ang prusisyon ng Black Nazarene. Naka-deploy ang mga awtoridad sa buong 22 oras na prusisyon. Walang tigil ang pagsubaybay ng helicopter para matiyak na walang grupo ng bombers na hahalo sa mga deboto.

Ang babala sa gagawing kaguluhan ay inihayag ni President Noynoy Aquino noong Linggo. Umapela siya sa mga deboto na maging vigilant. Ganunman, kahit na may banta ng terorismo, hindi napigilan ang mga deboto para lumahok sa prusis­yon. Naitala ang pinakamahabang prusisyon ng Nazareno sa taon na ito.

Isang paraan na ginawa ng gobyerno para mapigilan ang mga terorista sa gagawing paghahasik ng kaguluhan ay sa pamamagitan ng pagpatay sa signal ng mga cell phone sa Maynila. Buong maghapon at magdamag na nawala ang signal. Base sa intelligence report, ang cell phone ang gagawing triggering device ng mga terorista. Umano’y ang grupong Abu Sayaff, MILF at miyembro ng Jemaah Islamiyah ang magsasagawa ng pambobomba.

Dumanas na ng lupit ng terorismo ang bansa noong Dec. 30, 2000 kung saam limang lugar sa Metro Manila ang binomba. Maraming namatay sa LRT-Blumentritt Station makaraang taniman ng bomba ang isang coach. Binomba rin ang isang Superferry habang naglalayag sa may Manila Bay at marami ring namatay. Binomba ang isang bus sa Makati noong Valentines Day at apat ang namatay.

Hindi nagpapahinga ang mga terorista. Naghihintay lamang ng tamang pagkakataon. Gawing palagian ang pagmamanman at hindi kung kailan mayroon nang sumabog. Nararapat matuto sa mga nakaraang karahasan.

ABU SAYAFF

BINOMBA

BLACK NAZARENE

BLUMENTRITT STATION

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

JEMAAH ISLAMIYAH

MANILA BAY

METRO MANILA

NOONG LUNES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with