^

PSN Opinyon

Valenzuela: Model City

- Al G. Pedroche -

ALAM n’yo ba na ang Valenzuela City ay itinanghal ng Department of Interior and Local Governments bilang numero unong lungsod sa buong Pinas? Kagulat-gulat talaga ang performance ni Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian na bagama’t 37-anyos lang ay umuukit ng pangalan sa larangan ng pulitika.

Di kataka-taka na isa si Mayor Win sa mga ginawaran ng Ten Outstanding Young Men (TOYM) award sa taong 2011. Habang ang ibang pulitiko ay kani-kanyang gimik at kontrobersiya, si Mayor Win ay tahimik, ngunit malalim at produktibo.

Pati Department of Education (DepEd) ay bilib sa  ma­laking pagbabago ng Valenzuela City. Outstanding ang performance ng mga batang mag-aaral sa lungsod. Mabisa ang English and Mathematics workbooks na ipinamahagi sa mga mag-aaral. Libre rin ang mga notebook at ibang school supplies sa mga estudyante at guro sa lungsod.

Kung may programang K plus 12 ang national govern­ment, una munang tinugunan ni Mayor Win ang mga pangunahing pangangailangan sa pampublikong eskuwelahan.

Kaya ngayon, ang student to classroom ratio sa lungsod ay 43 to 1 sa elementarya at 45 to1 naman sa sekon­darya. Hamak na maganda ang bilang na ito kumpara sa 85 to 1 ratio sa ibang eskuwelahan sa Metro Manila. 

Pulos state-of-the art computer laboratories ang gamit sa lungsod na lalong magpapataas sa kalidad ng edukasyon. Malaki ang kaibhan ng turo sa pribado at pampublikong paaralan at ito’y batid ng Mayor. Ngunit pinatunayan niya na ito’y hindi hadlang para sa mabuting edukasyon.

Nagtapos ng elementarya at sekondarya si Win sa Grace Christian High School, samantalang ang kanyang Business Administration degree ay nakuha naman niya sa Boston University; habang ang Advance language Course at prestiyosong Beijing Language and Culture University at Advance Corporate Finance from the Euromoney Institute of Finance ay nakuha naman niya sa New York sa Amerika.

Si Gatchalian din ang dahilan sa tagumay ng mga Valenzuela students na nanguna sa National Achievement Test for Elementary Schools na taunang ginaganap ng Department of Education.

Ang pinanggalingang eskuwelahan ni Mayor Win ay lalo lamang nagbibigay dahilan sa kanya para ibahagi, gayahin at ipalasap sa mga Batang Valenzuela ang kahalagaan ng edukasyon higit lalo kung may tulong ng lokal na pamahalaan.

Harinawang gayahin ito ng iba pang lokal na pamahalaan sa iba’t ibang panig ng bansa

ADVANCE CORPORATE FINANCE

BATANG VALENZUELA

BEIJING LANGUAGE AND CULTURE UNIVERSITY

BOSTON UNIVERSITY

BUSINESS ADMINISTRATION

DEPARTMENT OF EDUCATION

MAYOR WIN

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with