^

PSN Opinyon

Editoryal - Hinukay na lupa, naging libingan

-

GUMAGANTI ang kalikasan? Tubig at lupa ay rumaragasa at inililibing nang buhay ang mga tao. Dumadalaw sa katahimikan ng gabi at marami ang hindi na nagigising. Gabi nang rumagasa ang baha sa Cagayan de Oro City at Iligan City noong Disyembre 17, 2011 at 1,200 tao ang namatay. Sinagasaan ng mga troso ang mga bahay at nawasak. Hanggang ngayon, nasa evacuation centers pa mga taong nawalan ng bahay.

Kung tubig ang rumagasa sa CDO at Iligan, lupa naman ang naglibing sa 25 tao sa isang barangay sa Compostela Valley noong Miyerkules ng gabi. Hanggang ngayon patuloy pa ang retrieval operation sapagkat 100 tao pa ang nawawala. Umaasang may maililigtas pa sa mga taong nalibing nang buhay. Karamihan sa mga namatay ay mga bata.

Umano’y lumambot ang lupa sa lugar kung saan ay pinagmiminahan. Walang tigil ang pag-ulan sa nasabing lugar at maaaring isa iyon sa dahilan kaya nagkaroon ng landslides. Gabi nangyari ang pagguho ng lupa kung saan ang mga residente ay himbing na himbing sa pagtulog. Wala silang kamalay-malay na ang gabundok na lupa ay tatakpan ang kanilang mga bahay. Sa isang iglap, nabura ang mga bahay at pawang mapulang lupa na may kahalong putik ang makikita.

Ang Compostela Valley ay kilalang lugar na pinagmiminahan. Mayaman sa deposito ng ginto ang lugar. Dahil maraming ginto, maraming small scale mining ang nagsasagawa ng pagmimina. Manu-mano ang paghuhukay. Kumikita umano ang karaniwang minero ng P2,000 sa isang araw. Dahil kumikita, nawalan ng sistema ang paghuhukay. Hukay dito, hukay doon. Bara-bara na. Wala nang iniisip kung ang paghuhukay ay magdudulot ng trahedya. Basta ang mahalaga, kumita ng pera at saka na lang problemahin ang mga susunod pa.

Sa dami ng mga nagmimina, nasira ang mga bundok, nawalan ng tibay ang lupa at sa kaunting ulan ay agad gumuguho. Naningil ang lupa at inili-bing nang buhay ang mga residente.

Nararapat higpitan ng gobyerno ang mga nag­huhukay ng ginto. Huwag bigyan ng permiso. Kikita nga sa ginto subalit mas marami naman ang malilibing nang buhay. Hinuhukay lang nila ang sariling libingan.

ANG COMPOSTELA VALLEY

COMPOSTELA VALLEY

DAHIL

DISYEMBRE

HANGGANG

ILIGAN CITY

LUPA

ORO CITY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with