^

PSN Opinyon

Bagong Taon 2012

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

MANIGONG Bagong Taon po sa inyong lahat! Ngayon din ang ating pagdiriwang kay Maria, Ina ng Diyos. Itinalaga ng Sanka-kristianuhan na ito ang araw ng World Day of Prayer for Peace. Si Maria ay Ina ni Hesukristo. Diyos na totoo at taong totoo. Siya ang Ina ng Simbahan. Tinamo na niya ang napakalaking biyaya ng Diyos, siya ang Imaculada Concepcion at Asuncion!

Pagpalain nawa tayo at ingatan ng Panginoon ngayong 2012. Nawa’y kahabagan tayo, subaybayan, lingapin at bigyan ng kapayapaan. Tularan natin si Maria na pala-ging binabanggit ang pangalan ng Panginoon upang tayo ay bendisyunan at pagpalain tuwina. “Kami’y iyong kaawaan, pagpalain Poong Mahal”. Purihin natin at pasalamatan ang Panginoong Ama sa langit, sapagka’t pinagkalooban tayo ng Espiritu ng Kanyang Anak nang tayo’y makatawag din sa Kanya ng: “Ama, Ama ko!” Dito natin masasabi na ang ipinanganak na sanggol ni Maria ay atin ding kapatid.

Tularan natin ang mga pastol na nagmamadaling lumakad patungong Bethlehem upang makita sina Maria, Jose at ang Sanggol na nakahiga sa sabsaban. Isinaysay ng mga pastol ang sinabi sa kanila ng anghel tungkol sa Sanggol. Nagtaka ang lahat nang nakakarinig sa sinabi ng mga pastol. Natanim sa isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang pinagbulay-bulay. Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos sapagka’t nakita nila ang ibinalita sa kanila ng anghel.

Ngayong Bagong Taon 2012 ay magmadali rin ta-yong bisitahin ang ating mga mahal sa buhay. Atin silang yakapin ng buong kapayapaan, ibig sabihin kung meron man tayong di-pagkakaunawaan sa tahanan ay atin nang limutin at magpatawaran.

Tulad ng mga pastol, umalis din tayong nagpupuri sa

 Diyos at nagpapahayag ng kadakilaan ng Ama. Tularan natin ang mga anghel na ibalita sa ating kapwa ang pagpupuri sa Diyos! Sa araw na ito sa ating pag­lakad sa mga lansa-ngan ay ating batiin ang lahat ng Happpy New Year 2012! Mapayapang Bagong Taon, mga kapatid!

Bilang 6:22-27; Salmo 66; Galacia 4:4-7 at Lk 2:16-21

vuukle comment

BAGONG TAON

DIYOS

HAPPPY NEW YEAR

IMACULADA CONCEPCION

INA

KANYANG ANAK

MAPAYAPANG BAGONG TAON

NGAYONG BAGONG TAON

TULARAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with