^

PSN Opinyon

Kamay na bakal vs illegal loggers

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

ASADO na ang siguridad na inilatag ni PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome upang pangalagaan ang mamamayan sa selebrasyon ng Pasko’t Bagong Taon. Naka-full alert status na ang PNP. Upang mapigilan ang kati ng daliri sa gatilyo, nilagyan ng busal ang barrel ng mga baril. Ikinalat naman ni NCRPO chief Dir. Alan Purisima ang mga pulis sa Metro Manila upang mahadlangan ang riding-in-tandem. Kabilang na rito ang pag-aresto sa mga magpapaputok ng firecrackers at pagsunog ng mga gulong sa kalye. Ang masakit lang, marami pa rin tayong kababayan na matitigas ang ulo na walang ginawa kundi uminom ng alak nang sobra-sobra kaya humahantong sa away.

Ngunit sa kabila ng kasiyahan sa Metro Manila marami pa ring kababayan sa Cagayan de Oro City, Iligan City, Dumaguete at Western Visayas ang nag­luluksa ngayon matapos manalasa si “Sendong”. Ma­ buti na lamang at likas na matulungin ang mga Pi­noy pagdating sa kalamidad. Katulad na lamang sa kabayanihan ng Iligan police noong kasagsagan ng baha. Itinaya nila ang kanilang buhay upang sagipin ang mga kababa-yang tinangay ng baha. Maging ang Armed Forces of the Philippines ay matiyagang ginalugad ang lahat ng sulok ng naapektuhang lalawigan upang hanapin ang mga nawawala nating kababayan.

Ang Philippine National Red Cross naman ay agad sumugod sa naturang mga lalawigan upang pakainin at bihisan ang ating mga kababayan. Maging si Senator at PNRC chairman Richard Gordon pa nga’y napasugod doon upang personal na i-supervise ang pag-rescue sa mga natangay ng baha. Si Candaba Mayor Jerry Pelayo naman ay pinangunahan ang lahat ng mayors sa Pampanga upang makapagpadala ng 500 kabaong sa Cagayan de Oro at Iligan City. Ang TxtFire Philippines sa ilalim ng pamumuno ni Gerry Chua at nagpadala ng libong relief goods. Hindi naman pahuhuli ang Damayan Foundation ng Star Group of Publications sa pagdamay sa mga nasalanta.

Sa lahat ng aking nabanggit, maraming salamat po sa taus-pusong pagtulong. Ngunit kulang pa ito para sa ating mga kalahi na nilumpo ni “Sendong” dahil nais nila, ang kamay na bakal ni President Noynoy Aquino upang mapanagot ang may kagagawan ng pagkakalbo ng kabundukan. Sa ngayon, kanya-kanyang palusot ang mga local na opisyal upang makaiwas sa bangis ni P-Noy. Merry Christmas sa inyong lahat. 

ALAN PURISIMA

ANG PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BAGONG TAON

DAMAYAN FOUNDATION

GERRY CHUA

ILIGAN CITY

METRO MANILA

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with