^

PSN Opinyon

'Audi Motors imbestigahan!'

- Tony Calvento -

(Ikalawang bahagi)

“Pakita lang nila ang isang importanteng dokumento kami na ang bahala dito sa Land Transportation Office. Ito ay ang Proof of Payment o Certificate of Stock Report (CSR) na ga­ling sa Bureau of Customs (BOC) na binayaran ng AUDI para sa kotse ni Dominique Lorenzo Chua,” mariing sinabi ni Dir. Teofilo Guadiz.

Si Dir. Guadiz ay hepe ng LTO-NCR at ang tinutukoy niyang sasakyan ay ang AUDI A4. Kotse na kinuha ni Dominique mula sa AUDI Motorcars Inc. nung June 30, 2011.

Hanggang ngayon hindi pa narerehistro ito sa LTO kaya hindi pa mai-‘release’ ang plaka.

Mula nang mai-‘deliver’ ang sasakyan hanggang garahe na lang. Pinupunasan, ini-‘start’ para ipainit at tinitignan. Hindi mailabas sa kalsada. Anong silbi nito, bibili ka ng mamahaling kotse na ang halaga ay mahigit sa Tatlong Milyong Piso (Php 3,000,000) hindi mo naman ito magamit dahil wala kang permiso para patakbuhin ito sa kalye.

“Mukhang pinaiikut-ikot nila itong si Mr. Dominique Chua. Sobrang tagal na nitong usaping ito. Gusto namin tumulong basta sabihin lang nila kung ano ang pangalan ng broker ng AUDI at Bill of Lading, mati-trace na namin ang history ng nasabing sasakyan,” dagdag ni Dir. Guadiz.

Sinabi rin sa amin ni Dir. Guadiz na kapag nagawa nila ito hindi magtatagal ng isang linggo maaayos ang lahat (Certification of Registration, Official Receipt galing sa LTO at pati plaka makakabitan nito).

Ang AUDI ay isang dekalidad na German car at ang kinuha ni Dominique ay ang model A4 na may Engine No. CDH 126 272 at Serial No. WAU ZZZ 8K9B A1 25547. Ang Commission No. 10-0213 at Conduction Sticker nito ay ZD6550. Kulay itim na sasakyan ang napili ni Dominique.

Pinaliwanag sa amin ni Dir. Guadiz na ang conduction sticker ay kinakabit matapos ang isang sasakyan ay makapasok sa Pilipinas at makapagbayad ng tamang buwis.

Ang transaksyon na ito ay ini-‘input’ ng ‘electronic transmission’ mula sa BOC papuntang LTO para marehistro ang kotse. Dun makikita kung magkano ang binayad.

Paano nagkaroon ng conduction sticker kung walang proof of payment o CSR na maipakita ang AUDI?

“Malamang peke yang conduction sticker o baka naman kung saan lamang nila nakuha yan.” ayon kay Dir Guadiz.

Ito ang dahilan kung bakit kinakalampag namin ang tanggapan ni Commissioner Ruffy Biazon ng Customs para imbestigahan ito. Hindi ba pinangako mo kay Presidente na aayusin mo ang “graft-ridden bureau” na ito? Pakita mo na may ngipin sa likuran ng iyong ‘college boy look’ at kaya mo ang hamon ng trabaho d’yan.

Hindi para ituro ko pa ang kailangan mong gawin. Malaki ka na… alam mo kung anong trabaho mo. Gawin mo Comm. Biazon.

Sa isang pormal na sulat na ipinadala ni Dominique sa mismong president ng AUDI Motorcars, Inc. na si Mr. Robert Coyiuto III, Hiniling niya na ayusin ito. Narito ang liham para inyong mabasa.

Oct. 13, 2011

MR. ROBERT COYIUTO III

AUDI MOTORCARS, INC.

201 E. Delos Santos Avenue

Mandaluyong City

1554 Philippines

Re     : Audi A4 with Engine No. CDH 126 272;

Serial No. WAU 222 8K9B A1 25547

Cond. Sticker No. ZD6550

------------------------------------------------------------------

ATTN. : L. RICACHO- Sales Consultant

Dear Mr. Coyiuto :

I am writing you relative to the above-captioned unit which was purchased from your company partly in cash and by way of an exchange deal with Business Mirror sometime in June, 2011 and delivered to MR. DOMINIQUE LORENZO CHUA on June 30, 2011. Unfortunately, to date your Company has not favored us any satisfactory explanation on what is causing the delay in delivering to me the complete registration papers of the unit namely: the Certificate of Registration and Official Receipt, Plate Number and sticker and other related documents, despite your assurance and the lapse of four (4) months. We wish to inform you that I am still unable to use the car since the time you delivered it to me due to your failure to turn over the aforesaid documents, thus, depriving me of its lawful use.

Formal demand is hereby made upon you to deliver/turn over to the undersigned the corresponding Original Certificates of Registration, Official Receipts, Plate number, stickers and other related documents within seven (7) days from receipts hereof, failing which, I will be constrained to refer the matter to my lawyer for the protection of my rights and interest over the subject unit.

Very truly yours,

DOMINIQUE LORENZO CHUA

Sa pagtatapos, simple lang naman ang dapat mong gawin Mr. Coyiuto sabihin mo sa iyong broker na ilabas ang proof of payment na kayo’y nagbayad ng tamang buwis sa BOC. Dito magsisimula at dito rin makikita ang solusyon sa problemang ito.

Tignan mo rin ang iyong bakuran baka totoo ang nakarating sa aming balita na maaring ginagamit ng ibang tao ang linya ninyo sa pag-iimport ng sasakyan, hindi nagbabayad ng tamang buwis at bandang huli walang pakialam kung masisira ang maganda at prestiyosong pangalan ng AUDI motorcars.

PARA SA ISANG PATAS at balanseng pamamahayag inaanyayahan namin si Mr. Robert Coyiuto ng AUDI Motorcars Inc. na ibigay ang kanilang panig para mailathala namin.

Sa gustong dumulog, maari kayong mag-text sa aming mga hotline numbers 09213263166 o 09198972854. Ang aming landline 6387285 at ang 24/7 hotline ay 7104038. Bukas din ang aming tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes. Pumunta sa 5th floor CityState Center Bldg. Shaw Blvd. Pasig City.

AUDI

DOMINIQUE

ENGINE NO

GUADIZ

MOTORCARS INC

MR. COYIUTO

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with