Kakampi ni Arroyo naki-impeach din
PARATANG ng spokesmen ni ex-President Gloria Arroyo na ipinuwersa ng Aquino admin ang pag-impeach kay Chief Justice Renato Corona. Pero taliwas ‘yon ng talaan ng mga kongresista na lumagdang mag-impeach. Kasi kabilang sa kanila ay mga katoto mismo ni Arroyo.
Halimbawa nito ay sina: Dating Arroyo spokesman Anthony Golez (Bacolod), dating national police deputy Leopoldo Bataoil (Pangasinan), dating housing deputy Amado Bagatsing (Manila), dating Pag-IBIG Fund president Miro Quimbo (Marikina), dating agriculture secretary Jesus Paras (Bukidnon), at dating malimit na kabiyahe Zenaida Angping (Manila) at Rachel Arenas (Pangasinan).
Idagdag pa riyan ang mga kamag-anak ng matataas na opisyales ni Arroyo: Llando Mendoza (Batangas), anak ng kanyang national police chief at transportation-communications secretary Leandro Mendoza; Roberto Puno (Antipolo), kapatid ng interior secretary Ronaldo Puno; Jeci Lapus (Tarlac), kapatid ng education secretary Jesli Lapus; Ryan Singson (Ilocos Sur), anak ng national security adviser Chavit Singson; at Henry Pryde Teves (Negros Oriental), pamangkin ng finance secretary Gary Teves.
Muli idagdag pa ang mga kamag-anak ng kaalyado sa politika: Jack Enrile (Cagayan), anak ni Senate President Juan Ponce Enrile; Juan Edgardo Angara (Aurora), anak ni Sen. Ed Angara; Eulogio Magsaysay (Ave party), pinsanin ng kasamahan sa oposisyon na Mitos Magsaysay; Jose Zubiri III (Bukidnon), kapatid ng dating Lakas president-senator Migz Zubiri; Rogelio Espina (Biliran) at Francisco Ortega (Butil), anak at pamangkin ng mga tagasulong ng Charter Change na Gerry Espina at Victor Ortega; at Mariano Velarde (Buhay), anak ni Bro. Mike Velarde.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending