Kapalmuks

TODO bigay ang kampanya ni Chief Justice Renato Corona para bulagin ang publiko. Inumpisahan niya ito sa pamamagitan ng isang talumpati sa mga empleyado ng Korte Suprema at iba pang Korte sa Metro Manila kung saan sinabi niyang wala siyang kasalanan kay President Noynoy Aquino at sa sambayanang Pilipino. 

Pilit pa niyang nililiko ang isyu at sinasabing inaatake raw ni P-Noy ang buong Hudikatura at nais daw nitong gawing tau-tauhan ang Korte Suprema. Ang mga kaal-yado naman niya, lalo na itong pinagkakautangan niya ng loob na si Madam Senyora Donya Gloria ay gumagastos na rin ng katakut-takot sa mga public relations experts na hangarin ay linlangin ang sambayanan para tanggapin ang mga panloloko ng grupong nagnakaw, nandaya at nanloko sa bayan. 

Sobrang lapit si Corona kay Madam Gloria at ang mga patunay nito ay:

Una, ang punong mahistrado ay tumayong tagapagsalita at Chief of Staff ni Madam Gloria noong 1998 nang ito ay mahalal bilang Vice President ng Pilipinas. 

Pangalawa, si Corona ang ginawang Chief of Staff at tagapagsalita noong naging residente ng Malacañang si Madam Gloria noong 2001. (Pasensiya na ho, hindi ko ho talaga kayang tawaging presidente ang isang taong ninakawan at dinaya ang sambayanang Pilipino. 

Pangatlo, noong 2002 ay hinirang siya ni Madam Gloria bilang Associate Justice ng Korte Suprema. 

Pangapat, ginawa siyang Chief Justice ng Korte Suprema noong May 12, 2010. Tandaan nating tapos na ang halalan nuong panahon na iyon at may ban na actually sa tinatawag na midnight appointees. 

Panglima, dapat hin-­ di siya sumali sa deliberasyon ng mga kasong direktang aapekto kay Madam Gloria. Out of delikadeza, dapat nag inhibit siya. 

“Corona is morally unworthy to be our country’s Chief Justice,” sabi ni Sen. Vicente Paterno.

Malinaw pa sa sikat ng araw, kung may natitira pang personal respect si Corona, dapat magbitiw siya. Kaso wala, gaya ng amo at kakampi niya.

* * *

Para sa anumang reaksyon at suhestiyon, text lang sa 0949­8341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com

Show comments