^

PSN Opinyon

Ugat ng krimen: ugaling palusot

SAPOL - Jarius Bondoc -

KARUKHAAN ang karaniwang ulat tungkol sa Filipino drug mules na nahuli’t in-execute sa China nitong taon. Pero sa totoo lang, karamihan sa kanila ay hindi maralita; may mga sariling bahay na hollow blocks, hindi barung-barong. Hindi rin masasabing ignorante sila sa buhay at batas sa ibang bansa. Halos lahat sila’y nakatuntong ng kolehiyo. Nasilaw kaya sa salaping alok ng drug syndicates? Maari. Pero anang psychologists, may malalim pang ugat bukod sa tukso ng biglang-yaman. ‘Yon ang maling paniwala na makakalusot ang salarin sa parusa.

Laganap sa mga Filipino ang kamaliang ’yon, na matatawag na “impunity.” Ugali ng bus driver na kumaskas at ng jeepney driver na magsakay-magbaba sa gitna ng kalye dahil malimit siyang nakakalusot. Paulit-ulit ang tindera sa palengke na mandaya sa timbangan kasi hindi siya nahuhuli. Hindi yaman, pinag-aralan o katayuan sa buhay ang isyu. Maraming doktor ang lumulusot sa buwis dahil walang sumisita sa kanila. Maraming opisyal ng gobyerno ang nanghihingi ng lagay kasi hindi sinusuplong.

Masasabing umabot sa rurok ang kultura ng impunity sa kaso ng mga Ampatuan ng Maguindanao. Balita’y ugali na nilang pumatay ng kalaban sa pulitika; chainsaw ang dahan-dahang pang-execute sa sinumang sumaling sa kanila. Kaya nang tangkain ng mga kababaihan ng angkang Mangudadatu na i-file ang certificate of gubernatorial candidacy ni Esmail, niratrat sila ng mga Ampatuan sa tabingdaan. Pati mga abogado, reporters at passers-by ay pinatay: 58 lahat.

Maski isang dating Presidente ay humihingi ng naka­ugaliang exemption sa batas. Ani Gloria Arroyo dapat house arrest imbis na sa piitan siya habang nililitis sa salang electoral sabotage at plunder.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

AMPATUAN

ANI GLORIA ARROYO

ESMAIL

KAYA

LAGANAP

MAARI

MAGUINDANAO

MARAMING

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with