Wrong or right?
NAGING panauhin ako sa talk show ni Atty. Dong Puno noong Miyerkules. Ang paksa pa rin ay ang ginawang pagpapahiya ng presidente sa Punong Mahistrado sa National Criminal Justice Summit. Ang tanong ni Dong: Right message, right venue?
Napag-usapan na ang isyung right venue. Sa isang unity rally ‘ika nga, wala sa lugar ang naganap na panghihiya. Good manners and right conduct tuloy ang pinag-usapan. Very un-Filipino raw. Kung talagang may gusto siyang ipaabot sa kanyang counterpart sa Judiciary, maari sanang sa ibang tagpuan ginawa. Malinaw: Wrong venue.
Mali man ang kanyang timing, tama naman ba ang kanyang mensahe? Was it the right message?
Ano nga ba ang mensahe ni P-Noy sa speech niya? Tatlo ang puntong sentral: (1) Mali ang mga desisyon ng Mataas na Hukuman sa mga kasong sangkot ang pamahalaan; (2) kinikilingan nila si GMA; at (3) iligal pa rin ang pagtalaga kay Renato Corona bilang Chief Justice. May isa pa itong mas malalim na panakot: Handa siyang gumawa ng kakailanganing hakbang kapag hindi makuha ang kagustuhan.
Malinaw na talagang hangad ng ating presidente ang pagpanagutin si Gng. Arroyo. Ako at ang mayorya ng taumbayan ay sang-ayon dito. Subalit kung ang gagamiting paraan upang makamit ang hangarin ay labag sa batas, hindi rin ito matatawag na katarungan. Anumang magandang intensyon ang iyong idahilan, walang magandang patutunguhan ang pagbalewala sa mga pro-seso ng batas at sa mga pasya ng hukuman. Itinilaga ang mga ito upang ang tao’y proteksyunan hindi lamang sa diktador na umaabuso kung hindi rin sa lider na sa laki ng pagmamahal ay nakakalimot. Minsan lang itong malusutan ay magkakalamat ang sistema na maaring mauwi sa pagkolapso ng kabuuhan.
Ang buong mensahe ni P-Noy ay hamon mismo sa proseso ng paghusga sa ating bansa. Anumang pam-
pampublikong aksyon na ga-win ni P-Noy ay may malalalim na epekto sa lahat. He is the most powerful man in the entire Nation. Kung nais niyang ipilit ang kanyang programa, sana ay gawin niya sa paraang hindi bibihagin ang sistema. Dahil dito, wrong message.
- Latest
- Trending