^

PSN Opinyon

Magkano ibabayad para sa Luisita?

SAPOL - Jarius Bondoc -

TIYAK iinit ang isyu kung magkano ang ibabayad ng gobyerno sa pamilya Cojuangco para sa Hacienda Luisita­. Ito’y dahil bahagi si Presidente Noynoy Aquino ng angkan, at siya rin ang chairman ng Presidential Agrarian Reform Council. Maski ibinenta na niya ng mababa pa sa 1% share niya sa family corporation, gobyerno pa rin ang magdedesisyon ng halaga. Maski mag-inhibit siya sa mga deliberasyon ng PARC tungkol sa pagbabayad, mga appointees pa rin niya ang magpupulong, pinangu­ngunahan ni Agrarian Reform Sec. Virgilio delos Reyes. Batid nila ito, kaya tinitiyak ni Delos Reyes na magiging transparent ang kilos nila.

Kontrobersiyal ang halaga ng 5,000 ektarya. Para sa mayorya ng Korte Suprema, dapat daw na presyong 1989 ang batayan. ‘Yun kasi ang taon nang ipatupad ng Cojuangcos ng stock-distribution option na ibinasura ng Korte. Ang halaga ng tubuhan noon ay hindi lalampas sa P50,000 per hectare.

Anang ilang mahistrado, makatarungan umano na 2004 ang gawing batayan. Ito ang taon nu’ng bilhin ng gobyerno ang 80 ektarya ng hasyenda para sa Subic-Clark-Tarlac Expressway. Ang ibinayad noon para sa right of way ay P1 million per hectare.

Napakalaki ng kaibahan ng dalawang halaga, lalo na kapag kabuuang 5,000 hectares ang pag-uusapan. Kapag ang presyong 1989 ang gagawing batayan, P250 milyon tumataginting ang ibabayad sa Cojuangcos. Pero kung halagang 2004 ang iiral, nakalululang P5 bilyon ang ibabayad na just compensation.

Bukod pa riyan ang bilyun-bilyong pisong tutustusin ng gobyerno — sa infrastructures — para ipagtagumpay ang repormang agraryo.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail:

AGRARIAN REFORM SEC

COJUANGCOS

DELOS REYES

HACIENDA LUISITA

KORTE SUPREMA

MASKI

PRESIDENTE NOYNOY AQUINO

PRESIDENTIAL AGRARIAN REFORM COUNCIL

SUBIC-CLARK-TARLAC EXPRESSWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with