Nahihilo, nahihibang, nagugulo
MAYORYA ng sambayanan ay nais na umigi ang kalusugan ni Madam Senyora Donya Gloria. Malamang ang karamihan ay sinama pa sa kanilang panalangin ang pag-igi ni Madam Gloria.
Bakit kanyo? Simple lang ho, lahat ay nais na maranasan niya ang makulong sa ordinaryong selda. Ito rin ang kahilingan ng halos lahat ng mamamayang natanong o sumagot sa mga informal survey ng iba’t ibang telebisyon at radio stations. So, bakit sinasabi ni Elena Bautista Horn, ang tagapagsalita ni Madam Gloria na merong “Put the little girl to sleep” plot.
Kasi nahihilo na sila sa problema. Hindi nila inakalang walang magagawa ang mga tuta nila sa Korte Suprema. Ang mga tinalaga ni Madam Gloria sa Korte Suprema ay handang suwayin ng Malacañang na suportado ng mamamayang Pilipino. Nais ng mamamayan na magbayad ang corrupt.
Nahihibang na sila at wala nga sila sa poder at pinagbabayaran na nila ang mga kasalanan pero buong akala nila lahat pa rin mabibili nila o di kaya’y matatakot nila. Naguguluhan na rin sila dahil buong akala nila ay hindi ganuon katigas si Pres. Noynoy Aquino na patupad ang pangako niya nuong kampanya na ang sinumang gumawa ng kasalanan ay dapat maparusahan. Hindi rin nila inaasahan ang mga pangyayaring ito na ultimo mga kakampi nila ay kanya kanya nang tago.
Ang iba naman nakikipag-usap na sa kasalukuyang administrasyon. Panahon nang laglagan at pagsalba sa sarili. Love myself, ika nga ng isang dating opisyal ni Madam Gloria na nagpapalamig muna sa probinsiya niya sa Mindanao.
Kaya asahan natin, mas marami pang kathang isip ang iimbentuhin ng kampo niya lalo na si Horn Girl, Atty. Ferdie “Mancao” Topacio at iba pang mga sinungaling, mandaraya at magnanakaw.
* * *
May natanggap akong text kahapon, “walang katotohanan ang Put The Little Girl to Sleep” ang totoong plot ay “ Patayin sa sindak ang pandak.”
* * *
Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa [email protected]
- Latest
- Trending