^

PSN Opinyon

Hyogo Gov. Toshizon Ido

DURIAN SHAKE -

KOBE, Japan — May higit 11-taon na ring naninilbihan bilang gobernador ng Hyogo prefecture si Gov. Toshizon Ido, 62. Ayon sa mga kasama naming Hapones sa isang United Nations International Strategy for Disaster Reduction (UNISDR) conference dito sa Kobe, naging napaka-popular ni Gov. Ido at talagang nirerespeto at minamahal siya ng mga mamamayan sa Hyogo.

Sakop ng Hyogo prefecture ang Kobe, Fukusaki, Toyooka, Ako, Tatsuno, Aioi, Shinonsen, Harima, Anima Onsen, Awaji Island, Nishinomiya, Akashi at Takarazuka cities na nasa western region ng Japan.

Nagkaroon ang ilan sa amin sa delegasyon galing Pilipinas na makapanayam si Gov. Ido sa isang courtesy call nitong Huwebes.

Nasabi ni Gov. Ido na ang Japan at ang Pilipinas ay kapwa magkapareha ang nararanasan lalo na sa mga disasters gaya ng typhoons, lindol at maging ng matin­ding pagbaha.

Pinahalagahan ng gobernador ang hakbang na paigtingin ang kooperasyon ng dalawang bansa lalo na sa kung paano paghahandaan ang mga sakuna at kung paano tumayo uli pagkatapos ng isang trahedya gaya noong nangyari ang Great Hanshin-Awaji earthquake noong January 1995 na nagdulot ng matinding pinsala lalo na sa Kobe. May tinatayang higit 6,500 katao ang namatay sa nasabing Hanshin-awaji earthquake.

Nasundan ang 1995 earthquake nang nangyari ang Eastern Japan earthquake noong March 11, 2011 na nagdulot pa nga ng tsunami na ikinamatay nang mara­ming tao.

Napakalaking reconstruction ang ginawa upang mu­ling maibangon ang Kobe mula sa trahedya ng 1995 earthquake. Kung iikot ka sa Kobe ngayong mga araw, di mo na makikita ang anumang bakas ng lindol noong 1995 maliban lang kung ikaw ay bibisita sa earthquake museum na nasa tabi ng JICA Hyogo building sa Kobe.

Pinagdiinan ni Gov. Ido ang kahalagahan ng kooperas­yon ng mga mamamayan sa pagharap sa disasters at maging ang kanilang pagtulong tungo sa muling pagba­ngon ng kanilang komunidad.

Naipakita sa aming mga kasama sa Philippine delegation ang ginagawa ng Hyogo disaster management council lalo na sa kanilang pagsisikap na maisaayos ang kanilang disaster risk reduction system maging ang kanilang mga climate change adaptation measures.

Ngunit isang mahalagang mensahe ang sinabi ni Gov. Ido tungkol sa kung ano ang gagawin bilang paghahanda at kung paano haharapin ang disasters---mahalaga ang kooperasyon ng mga nasa administrasyon at maging nasa oposisyon.

Sinabi ni Gov. Ido na pag ang pag-usapan ay ang kapakanan ng mga mamamayan lalo na sa harap ng disasters, kinakailangang kalimutan ang pulitika at unahin kung ano ang nakakabuti para sa mga mamamayan.

Kapansin-pansin din dito sa Hyogo prefecture ay walang mga mukha ng mga opisyales nila na nakadikit at nagsasaad na “This project is made through the effort of …”, na hindi gaya sa Pilipinas na kahit saang lupalop tayo ay andun nakatitig ang mga larawan ng mga pulitiko na akala mo pera nila ang ginagamit para sa mga proyekto gayong pera naman ng taong bayan ang ipinagbayad nito. Pinoy nga naman!

ANIMA ONSEN

AWAJI ISLAND

DISASTER REDUCTION

EASTERN JAPAN

GOV

GREAT HANSHIN-AWAJI

HYOGO

KOBE

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with