^

PSN Opinyon

'Batang kriminal(?)'

- Tony Calvento -

ANONG magagawa mo kapag ang batas mismo ang humahadlang para hindi mo makamit ang hustisya?

“Marie… marie… Halika laro tayo…bahay-bahayan tayo.”

Pag-aya ng isang 14 anyos na binatilyo sa limang taong gulang na batang babae. Sumama ang bata, nagpunta sila sa isang sirang bahay, hindi kalayuan sa puno ng saging kung saan siya unang naglalaro.

“Isubo mo…” utos umano ni Boy.

Ang 14 anyos ay si “Boy” (hindi tunay na pangalan). Ang limang taong gulang naman ay itatago namin sa pangalang “Marie”.

Nagpunta sa aming tanggapan ang ina ni Marie na si Xenia Jane Gonzales, 28 taong gulang ng Las Piñas City. Reklamo niya ni-rape umano nitong si Boy ang kanyang anak.

Nangyari ang lahat ika-21 ng Oktubre 2011 sa Bayambang, Pangasinan. Birthday nun ng pamangkin ng asawang si Ledo at kapit bahay na si Imelda. Naghahanda pa lang sila sa pagdiriwang ng magpaalam si Marie na maglalaro kasama ang pinsan na si “Peter” (di tunay na pangalan), 6 anyos.

Sa puno ng saging malapit sa bahay nila Xenia naglaro ang magpinsan. Dito na umano nangyari ang panggagahasa.

“Subo ko raw ang t*6* niya. Sinubo ko po. Tapos hinubad niya ang short ko. Pasok niya ang t*6* niya sa ari ko,” kwento umano ni Marie sa ina.

Ang pangyayaring ito hindi agad nalaman ni Marie at Ledo.

Oktubre 24, 2011, lumuwas ng Las Piñas City si Xenia at mga anak para itransfer ng eskwelahan sa Maynila ang anak na si “Carl”, (di tunay na pangalan).

Kinailangang bumalik sa Bayambang nila Xenia at Carl nung ika-26 ng Oktubre para sa requirements sa eskwelahan kaya’t iniwan niya muna si Marie at bunsong anak sa kanyang ina na si Fe.

Kinabukasan isang tawag mula sa kapatid na si “Anne” (di tunay na pangalan) , 13 anyos ang kanyang natanggap.

“Ate! Ano ba nangyari sa anak mo? Bakit ganito!?” tanong ni Anne.

Nabigla si Xenia sa sumunod na narinig, “Bakit ganito ang ari ni Marie? Si Boy daw… si Boy daw ang may gawa!”.

Kwento ni Xenia, nung gabing iyon napansin ni Fe na basa ang kanyang short. Akala nito napaihi si Marie kaya’t pinahugasan niya ang bata kay Anne. Habang hinuhugasan ang ari ng bata bigla na lang itong umaray. “Aray!.. ate wag yan… masakit yan!”

Tiningnan ng tiyahin ang ari ni Marie para malaman kung bakit siya nasasaktan. Dito na nakita ni Anne na may mga sugat sa palibot ng ari ng bata. Maliban dito may mga nana daw na lumalabas dito. 

Sinabi ni Xenia sa asawa ang sinapit ng anak. Hindi naman nakapagpigil itong si Xenia. Sinugod niya si Boy sa computer shop kung saan sila madalas na tumatambay.

Si Boy ay malayong pamangkin ni Ledo kaya’t hindi makapaniwala si Xenia na siya pa umano ang gagahasa kay Marie.

Naabutan niyang naglalaro ng computer games si Boy.

“Halika… mag-usap tayo sa bahay,” nanginginig na sabi ni Xenia.

Sumama si Boy. Pagdating dun kumprontahan na agad.

“Anong ginawa mo kay Marie?! “Ikaw ang tinuturo ng anak ko. Binaboy mo daw siya! Anong ginawa mo?!” tanong ni Xenia.

“Wala po… wala po akong ginagawa,” pagtanggi ni Boy.

Hindi na makapagtimpi si Xenia kaya’t nagpunta sila sa bahay ni Boy.

Nakausap ni Xenia ang tiyuhin ni Boy na si Joseph at lola nitong si Salud. “Alam niyo ba ang ginawa ng apo niyo sa anak ko? Binaboy niya anak ko!” matigas na sabi ni Xenia.

Agad naman daw sinabi ni Salud na wala siyang alam dito. Insulto kay Xenia ang narinig. Tinawagan niya si Anne at pinakwento ang sumbong ni Marie.

Ni-loud speak ni Xenia ang cell phone. Pinarinig ang kababu­yang ginawa umano ni Boy ayon sa kwento ng pamangkin.

Mabilis na lumuwas sa Maynila si Xenia. Dinala niya ang anak sa Philippine General Hospital para ipagamot.

Matapos ipagamot binitbit niya si Marie pabalik sa Pangasinan. Sa Pulisya ng Bayambang sila dumiretso. Nagbigay ng pahayag si Marie sa Women’s Desk Officer na si PO1 Vina C. De Leon.

Muling kinwento ni Marie ang umano’y panggagahasa sa kanya. Dadag pa ni Xenia, hindi nakapagsumbong ang anak ng dahil sa takot.

“Wala ng nagawa ang anak ko… wala daw siyang ibang nasabi kundi, “Aray! Huwag masakit!” wika ni Xenia.

Kwento umano ng anak tumigil lang si Boy ng may tumawag kay Marie ng araw na iyon. Umalis agad sa sirang bahay ang binatilyo habang naiwan si Marie.

Mag-pa ‘file’ na sana ng kaso si Xenia sa San Carlos, Pangasinan subalit sabi daw ng isang prosecutor dun hindi maaring ihabla si Boy dahil menor de edad ito. Lumalabag ito sa R.A 9344 o Juvenile Justice Welfare Law. Sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) daw sila pumunta.

Nagpunta sa DSWD, Pangasinan si Xenia. Ang payo lang umano sa kanya ng mga social workers dun, sasailalim lang sa ‘community service’ si Boy.

“Ganun lang yun? Matapos niyang babuyin ang anak ko… Nasaan na ang hustisya?” pahayag ni Xenia.

Gustong malaman ni Xenia ang legal na hakbang na maari niyang gawin kaya’t nagpunta siya sa aming tanggapan.

Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo. Ang “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ 882KHZ (3:00-4:00 ng hapon) ang istorya ni Xenia.

Bilang agarang aksyon pinapunta namin si Xenia kay Usec. Alicia Bala ng DSWD para matulungan sila sa kanilang kaso.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sa isang binatilyo na nasa edad 14 na taon. Hindi ba’t alam na niya ang kanyang ginagawa? Parang imposible atang idahilan na isa lamang laro ang nangyari o simpleng bahay-bahayan lang. O hindi kaya’y sabihing wala pa sila sa tamang edad at pag-iisip kaya sila’y nakagawa ng krimen. Ito ay ilan lamang sa mga kasong hindi mabigyan ng hustisya dahil sa batas na R.A 9344 o Juvenile Justice Welfare Law. Dahil sa pananaw nila ang mga batang 15 years and below ay wala pang ‘discernment’ o hindi alam ang kanilang ginagawa. Kaya dumadami ang mga batang kriminal.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg., Shaw Boulevard, Pasig City mula Lunes-Biyernes. I-follow niyo kami sa twitter, [email protected].

* * *

Email address: [email protected]

ANAK

BOY

MARIE

NIYA

PANGASINAN

XENIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with