^

PSN Opinyon

Anong MNLF?

DURIAN SHAKE -

MAY isang grupo ng kalalakihan na nagpanggap na mga opisyales at miyembro ng Moro National Liberation Front na hinahamon ang local government unit dito sa Davao City dahil nga raw protector daw sila ng mga informal settlers sa Bgy. San Juan sa Agdao na hinaharap ang nakaambang demolisyon.

Naglakas loob pa ang mga sinasabing MNLF members na magpadala ng sulat sa mga local officials dito sa siyudad na sila ay dapat respetuhin at sila ay sundin sa kanilang gusto na huwag ituloy ang demolisyon.

May halong pananakot ang nakasaad sa mga sulat na may seal pa ng MNLF.

Cheap naman ng gimmick ng mga nagkunwaring MNLF members na naghari-harian dito sa Bgy. San Juan.

Walang puwang ang mga katulad ng mga sinasabing MNLF members sa mga barangay katulad ng Bgy. San Juan. May batas tayong sinusunod at hindi pupuwedeng kung ano ang gusto ng mga kung sinong Pontio Pilato na lang ang mangingibabaw dito. 

Ewan at ano ang nakain ng mga taong ito at pinagmalaki nila ang kanilang pagiging MNLF at isip nila sila ay puwedeng mamamayagpag dito. Naglagay pa nga sila ng checkpoint sa Bgy. San Juan na wari ay pag-aari nila.

Wow! Ganun na lang ba yon?

Ngunit umalis din ang mga nasabing MNLF pagkatapos na nagpalabas si vice mayor Rodrigo Duterte ng babala sa kanila.

Sinabi ni Duterte na sila ay arestohin at kakasuhan ng sedition dahil sa kanilang ginagawa.

Talaga namang hindi sila maaring maghari-harian kahit saan mang barangay ng kung saang bayan kahit sabihin pa nilang MNLF sila.

Tiyak hindi alam ni MNLF chairman Nur Misuari ang pinaggagawa ng kanyang mga miyembro.

Chairman Misuari, pakitingnan nga ang hanay ng inyong mga miyembro. Baka mamaya andami na nilang biktima.

BGY

CHAIRMAN MISUARI

DAVAO CITY

MNLF

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NUR MISUARI

PONTIO PILATO

SAN JUAN

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with