^

PSN Opinyon

Pacquiao-Marquez 4?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

HINDI maiwasan na pag-usapan ang katatapos lang na laban ni Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez. Nanalo si Pacquiao, pero hindi pa rin kumbinsido ang marami na kaya niya si Marquez. Katulad ng naunang dalawang laban, napakalapit ng mga puntos na nilamangan ni Pacman kay Marquez. Kaya ayan, nag­ re­reklamo na naman sa kalangitan si Marquez, na muli siyang ninakawan ng tagumpay! Pag­katapos na inanunsiyo ang panalo ni Pacman, tila kulog ng langit ang dumagundong sa MGM Arena sa Las Vegas, dahil sa mga ungol ng napakaraming Mexican na nanood. Nagtapon pa ng mga kalat sa ring, kung saan may natamaan pang reporter. Hindi sila nag-aksaya ng panahon para ipakita ang kanilang dismaya sa desisyon ng mga hurado na ibigay ang panalo kay Pacman. At nanggulo pa sa labas ng Arena ang mga Mexican! Mabuti na lang at hindi mga Pilipinong nanood din ang pinagbuntunan ng galit!

Minuto pa lang ang lumilipas, napakarami nang nagkomentaryo – mga eksperto sa boksing at hindi – na tila pababa na ang bituin ni Manny Pacquiao. Aminado ang kampo ni Manny na nahirapan ang bata nila kay Marquez, pero naniniwala sila na siya talaga ang nanalo. Sa totoo nga, kahit mga kritiko ni Manny sa Amerika ang nagsabing, bagama’t dismayado sila sa labang ito dahil hindi nila nakita ang dating mabangis na Pacquiao, binigay din nila ang tagumpay sa kanya dahil sa kanyang pinakita sa huling dalawang round. Pati ang computer na nagbibilang ng mga suntok ay pinakita na siya nga ang mas maraming tama kay Marquez. Dahil walang bumagsak, ito na ang batayan ng tagumpay.

Siguradong tatamaan ang reputasyon ni Manny dahil sa naging resulta ng labang ito. Mas tumanda na si Marquez, at bumigat pa, pero muling pinakita na hindi siya katulad nina Barrera, Morales o Hatton na napakadaling pinabagsak ni Manny. Pinatunayan niya na siya ang tunay na katapat ni Pacquiao. Sa tingin ko nga, sina Pacquiao-Marquez ang ating Ali-Frazier. Dalawang magagaling na boksingero na magkatapat na magkatapat! Kaya sa tagumpay na ito, muling mababagabag ang isipan ni Manny na hindi niya ma-knockout nang tuluyan si Marquez ! Laging nakakatayo. Tunay na counterpuncher, ayon sa mga eksperto. At isa pang siguradong magyayabang na siya na ang tunay pound-for-pound king ng boxing ay si Floyd Mayweather Jr. Ayon sa mga eksperto, mas lalo siyang gaganahang labanan si Pacquiao matapos siyang mahirapan kay Marquez na madali niyang tinalo! Sigurado duduguin ang tenga ng kampo ni Pacman sa mga patutsada mula sa mag-amang Mayweather!

Ngayon pa lang, malakas na ang usapin ukol sa muling paglaban ng dalawa! Baka sa Mayo itong darating na taon. Kung matutuloy nga, sigurado ako na maghahanda na nang husto ang dalawang boksi-      ngero. At kung mangyayari iyan, dapat baguhin na rin ni Manny ang kanyang pagsasanay, na wala nang istorbo o libangan. Marami ang nag-sabi na iyon rin daw ang nagpahina kay Manny. Kongresista, artista, singer, endorser, boksingero. Dapat maging boksingero na lang muna muli si Manny, kung sakaling may Pacquiao-Marquez 4!

Sa kabila ng lahat ng     usa­pin ngayon ukol sa laban, congratulations pa rin sa People’s Champion!

FLOYD MAYWEATHER JR. AYON

JUAN MANUEL MARQUEZ

MANNY

MARQUEZ

PACMAN

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with