Si Maxine: Ang sikat na sutil
SUMIKAT si Maxine mula 2005. Nagsimula siyang cartoon character sa Hallmark cards. Lola siya na mabisyo, magarbo, moderno, masungit, matalas ang dila. Payat, naka-alahas at pang-dekada-60 hippie na damit, sunglasses, hair-and-makeup. Sa kasikatan niya, nagkaroon na ng Facebook fan page, kung saan sinusundan siya ng milyun-milyong tao. Isang halimbawa ng pagka-sutil ni Maxine:
Nagsermon ang pastor tungkol sa kalabisan. Nilapag niya sa altar ang apat na bulate, at nag-“experiment”. Nilagay ang unang bulate sa garapon at binuhusan ng alak; ang ikalawa ay sa garapon na binugahan ng usok ng sigarilyo; at ang ikatlo sa garapon ng matamis na chocolate syrup. Ang ikaapat na bulate ay isinilid sa garapon ng matabang lupa.
Nang sumunod na Linggo ipinakita ng pastor ang mga bulate sa bote ng alak, ng usok, at ng chocolate syrup. Patay lahat. Samantala ang bulate sa garapon ng matabang lupa ay masigla.
“Ano ang leksiyon tungkol sa masamang bisyo,” tanong ng pastor.
Suminghal si Maxine mula sa likod: “Kapag umiinom, nagyoyosi at nagpapakasasa ka sa pagkain, hindi ka magkaka-bulate!”
* * *
Karaniwang Maxine jokes ay tungkol sa kanyang mga payo. Tulad ng, “Maari rin naman magkaroon ng masiglang sex life ang matatanda. Pero iya’y kung kaya mo tiisin ang ka-partner na kulubot na masyado.”
Kuwela rin ang tungkol sa mga gusto niya: “Ang pinaka-akmang bra para sa ka-edad ko ay sweatshirt.”
At paborito niyang laitin ang mga lalaki: “Bakit ang hirap para sa babae maghanap ng lalaki na maalaga, mabait at guwapo? Kasi karamihan sa kanila ay meron nang boyfriend.”
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending
















