^

PSN Opinyon

Sabwatan ng ilang tao ni P-Noy at mag-asawang Jose Pidal

Panaginip Lang -

Dalawang mataas na opisyal ni President Noynoy Aquino ang nakikipagsabwatan kay Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo at kay Madam Senyora Donya Gloria.

Tulay ng usapan ng dalawang opisyal na ito ay isang dating opisyal ng nakaraang administrasyon na mas kilalang trouble shooter ni Madam at taga-patay-sunog sa mga nabubuking na anomalya. Malaking halagang pera ang dumadaan sa kamay ng dating opisyal ng gobyerno na siyang nagsisilbing mensahero sa pagitan ng dalawang grupo.

Takot kasi silang makitang magkausap kaya naisip nila na idaan ang lahat ng palitan ng komunikasyon at salapi kay Mr. Trouble Shooter na super lapit kay Madam. Inuulit ko, mister ho ito at hindi miss o misis. Iisipin kasi ng karamihan ay ang opisyal na tagapagsalita ni Madam at hindi rin ho ang abogado nilang akala mo ay doctor kung mag-isyu ng statement tungkol sa kondisyon ni Madam.

Ang dating opisyal na ito ay matagal nang hindi nariri-nig pero epektibong-epektibo siya lalo na noong panahon ng mga expose’ ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson. Magaling at tahimik kumilos ang opisyal na ito bagama’t kilalang magastos. Nakailang matitinding puwesto rin ang taong ito.

Ang counterpart naman sa gobyerno ni P-Noy ay dalawang mataas na opisyal, isang ubod ng ingay na akala mo ay talagang gagawin ang trabaho at hahabulin ang mangungulimbat ng bayan pero puro press release lamang. Ang pangalawa ay nakakatakot, masyadong tahimik at bagama’t matindi ang impluwensiya ay kilalang magaling sa gapangan kahit noong araw.

Bagama’t sino ba ako para marinig o mapansin ng Malacañang pero naisipan kong ilabas ito upang kahit sa munting paraan ay mabigyang babala ang presidente na niloloko ng harapan ng dalawang taong ito.

* * *

Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa [email protected]

vuukle comment

BAGAMA

DALAWANG

IISIPIN

INUULIT

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

MR. TROUBLE SHOOTER

OPISYAL

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SIR SENYOR DON JOSE MIGUEL ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with