Dagdag-pondo sa health care
MATAGAL na itong inaasam ng marami. Ang Pagpapabuti sa serbisyong pangkalusugan at medikal para sa mga mahihirap. Narinig na siguro ninyo ang matandang joke tungkol sa mga pagamutan ng gobyerno na pakutyang tinatawag na “Mona Lisa” hospitals. Kasi raw, ang mga pasyente ay: “they just lie there and they die there.” Sana matuldukan na ang pasaring na ito.
Kamakailan ay pinagtibay ni Pangulong Noynoy Aquino ang karagdagang pondo para sa pangangala-gang pangkalusugan. Ang naturang pondo ay gagamitin sa pagkuha ng mga tauhang pangkalusugan at pagsasaayos ng mga health facilities ng gobyerno.
For the longest time, dumaraing ang mga health wor-kers sa mga lalawigan dahil nababalam ang suweldo at hindi makapaghatid ng serbisyong de-kalidad sa mga taga-baryo. Sapul nang magkaroon ng devolution o sari-ling pamamahala ang mga panlalawigang ospital, limitado na ang pondong ibinibigay ng central government. Napakarami pa namang mga lalawigan na maliit ang revenue. Sana, sa pagpapalabas ng dagdag na pondo ay lumaki ang parte ng local health units ng gobyerno.
Kabuuang P7.1 bilyon ang inilaang pondo para sa Health Facility Enhancement program para lalong mapagbuti ang serbisyo sa rural health units, health stations, at mga ospital na pinamamahalaan ng Department of Health paglilinaw ni Executive Secretary Paquito Ochoa.
Nagpalabas din ang Pangulo ng P2.5 bilyon sa upgrading ng mga ospital ng gobyerno tulad ng Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center, Philippine Children’s Center, at pati ng ahensiyang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na pinama- mahalaan na ngayon ng bagong president & CEO na si Dr. Eduardo P. Banzon.
Idinagdag ng kalihim na kasama rin sa nasabing pondo ang pagdaragdag ng 12,000 nurses sa RN HEALS o Registered Nurse for Health Enhancement and Local Service na maglilingkod sa mga Pilipinong nakatira sa malalayo at liblib na lugar.
Ayon sa DOH, mahigit na sa 10,000 nurses ang nakatalaga sa RN HEALS. Mahalaga ang mga ito sa pangangalaga sa kalusugan ng mga Pinoy. Tulad na lang ng pagdalaw nila sa mga lugar ng mahihirap para magbakuna at magsagawa ng feeding programs.
Bago umupo si Dr. Ban zon sa PhilHealth nitong buwan ng Oktubre, simula noong Hulyo ng kasaluku-yang taon, milyong-mil-yong kasapi ang nadagdag sa beneficiaries ng ahensiya.
- Latest
- Trending