^

PSN Opinyon

'Ginahasa sa galit (?)'

- Tony Calvento -

(Unang bahagi)

NAUDLOT ang pagtulo ng kanyang ihi ng makita ang kanyang pamangkin na umano’y nakapatong sa kanyang bayaw habang naghahalikan.

“Gigil na gigil sila. Laplapan talaga. Nakalusot na ang kamay ng bayaw ko sa short ni Susie. Ang isang kamay niya naman nilalamas na ang s@8* ng pamangkin ko! Naku po, Diyos ko talaga!” nangingilabot na sabi ng tiyahin.

Siya si Rosela “Rose” Alog, 45 na taong gulang taga-Taguig. Nagsadya siya sa aming tanggapan upang ihingi ng tulong ang pagkakakulong ng kanyang kapatid na si Roberto Lamason dahil sa umano’y panggagahasa sa kanya daw pasaway na pamangkin. Tinago namin siya sa pangalang “Susie”.

Nilapitan niya si Susie at mabilis na hinila ang buhok. Nahatak ang leeg ng pamangkin kaya’t mabilis na umalis sa pagkakapatong sa tiyuhin na si “Cedric”.

“Bastos ka… asawa ng tiya mo yan Susie!” sabi ni Rose.

Tumayo si Cedric mula sa sofa. Siya naman ang binalingan ni Rose. Pinagsasapak niya ito.

“Isa ka pang bastos ka rin! Ang kapatid ko halos mamatay na sa pagdi-D.H sa Qatar, tapos ganyan ka pa? Wala ka na ngang mapakain sa mga anak mo! Lumayas ka dito,” pahayag ni Rose.

Nangyari ang lahat ng ito unang araw ng taon ng 2010. Lumawas nun si Susie kasama ang kanyang lolang si Pedrenita galing Negros. Ang intensyon nila hanapin ang ina ni Susie.

Ayon kay Rose hindi ito ang unang beses na pinasakit ni Susie ang kanyang ulo kaya’t ganito na lang ang paninindigan ni Rose na hindi maaring gahasain ng kanyang kapatid ang pamangkin.

Labing apat na magkakapatid sina Rose. Anak siya ng magsasakang sina Rogelio Sr. at Pedrinita na tubong Isabela, Negros Occidental.

Masaya at malaki ang pamilya Lamason. Halos lahat ng kanyang pamangkin kasama niya sa bahay. Pati ang apat na anak ng pinsan nila na si Norabe kinukop na ng kanyang ama. Kabilang na dito si Susie.

Mula ng mamatay ang ama ni Susie. Iniwan na sila ng inang nag-asawa na rin sa Maynila. Sina Rogelio at ang panganay na si Roberto, isang matandang binata ang tumayong magulang nila. Binawi ng ina ni Susie ang panganay at bunso niyang kapatid habang naiwan sila ng kapatid na si “Jack”. (di tunay na pangalan) sa puder ng Lamason. Bata pa lang daw sina Susie rebelde na. “Madalas silang mangupit ng pera. Nagbubulakbol sa eskwelahan. Sumasagot pa sa matanda!” kwento ni Rose.

Pasaway man daw sina Susie ginapang pa rin ni Roberto ang kanilang pag-aaral. Nagsaka ito sa bundok.

Si Rose naman nagtrabaho sa Maynila. Hindi naputol ang responsibilidad ni Rose. Nasa Maynila man siya sa kanya buma­bagsak ang lahat ng problemang binibigay daw ni Susie sa kanilang pamilya.

Nitong huli nga napapadalas daw ang pakikipagkita ng pamangkin sa boyfriend na si Ronilo Javier na taga Rumirang. Halos hindi na raw ito umuuwi.

Madalas rin daw magsuka si Susie, tulog nang tulog at ayaw kumain. Hinala nila buntis ito kaya’t minabuti nila na paluwasin ng Maynila ang dalaga.

“Puro kahihiyan ang binibigay nila sa pamilya namin. Hindi naman sila tinatanggap sa DSWD. Kaya sabi ko kay nanay hanapin niya sa Maynila ang ina ni Susie. Siya naman dumisiplina,” wika ni Rose.

Matapos mahuli ni Rose si Susie at ang bayaw. Pinabalik niya si Susie sa Isabela. Wala ng gustong tumanggap sa pamangkin kaya’t sa kapatid ni Rose na si Renato sa Magsaysay, Isabela tumuloy si Susie. Nagbalik eskwela siya.

Ika-2 ng Marso 2010 bigla na lang hindi umuwi si Susie galing eskwela. Pinuntahan ni Renato ang titser ni Susie. Nalaman niyang matagal na palang hindi pumapasok ang dalaga. Nag-report sa pulis sina Renato at nilista ang pangalan ni Susie sa ‘missing persons’.

Kwento ni Rose, naglayas ang pamangkin matapos umano nitong itakbo ang halagang Php33,000. Benta ni Roberto sa kalabaw. Katapusan ng Pebrero 2010 ng mawala ang pitaka sa bulsa ng iniwang pantalon ni Roberto sa kanilang kubo sa bukid. Si Susie ang pinaghihinalaang kumuha. Nakita kasi siya ng pinsang si “Toto”, na may isang libo ng minsan silang magpunta sa kubo.

Nakaramdam daw si Susie na isusumbong siya ni Toto kaya’t inunahan na daw sila nito ng layas.

Ika-29 ng Pebrero 2010, lumutang si Susie sa presinto kasama ang kanyang boyfriend. Pumunta dun sina Renato kasama ang ina ni Ronilong si Leticia Javier. Tinanong ni Renato si Leticia kung saan galing ang dalawa. Sagot daw nito, “Nagtanan sila!” Depensa naman ni Susie, “Sa bukid ng Maquilidnit po!”.

Ayaw sumama ni Susie pabalik kaya’t si Roberto na ang sumundo. Tinanong ni Roberto si Susie kung magpapakasal na siya o mag-aaral. Hindi naman ito sumagot. Sumama si Susie sa bahay.

Kinumpronta ng tiyuhin si Susie. “Saan ka galing? Saan mo dinala ang pera? Bakit mo kinuha ang benta ng kalabaw?”

Hindi sumagot si Susie. Sa sobrang galit ni Roberto ilang ulit niya sinampal ang pamangkin. Lulusubin pa niya ito…

ABANGAN ang karugtong ng seryeng ito sa Biyernes. EKSKLUSIBO dito sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Boulevard., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

Maraming tao kaming nais pasalamantan nitong nakaraang Catholic Mass Media Awards (CMMA) na kung hindi dahil sa kanila hindi naging matagumpay ang pagtatanghal nito. Kabun­yiang Cardinal Gaudencio Rosales, Ambassador Antonio Cabangon-Chua, ang president at chairman ng CMMA. Sina Fr. Jojo Buenafe, Fr. Jun Sescon, Atty. Jose Ferdinand Rojas II, Ms Maricar Bautista. Nais ko ring pasalamatan ang malaking tulong na naiambag ni Mr. Mrs. Bobet and Cory Vidanes, Patricia Daza, Benjie Ramos. Ces Drilon, Cong. Lani Mercado-Revilla, Sen. Bong Revilla at Sen. Ramon Revilla Sr. Mga taga ABS-CBN na sina Dennis Fuentes at ang kanyang butihing asawa na si Girlie Fuentes. Higit sa lahat ang aking ‘ever reliable’ na magaganda at magagaling na staffs na sina Aicel Boncay, Sheryl Santillan at Monique Cristobal.   Mabuhay ang CMMA! Ibalik sa Diyos ang papuri!

* * *

Email address: [email protected].

KANYANG

PAMANGKIN

ROBERTO

ROSE

SIYA

SUSIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with