^

PSN Opinyon

Buti inalam, ipinahuli ni Lim ang nanunuhol

SAPOL - Jarius Bondoc -

“HUMANDA kayong mga kawatan, huhulihin ko kayo.” ‘Yan ang unang binigkas ni retired general Danny Lim nang maupo kamakailan bilang bagong Customs deputy for intelligence.

At dahil sobrang talamak ang korapsyon sa ahensiya, tinuring ito ng mga kawatan bilang parinig. Akala nila, tulad si Lim ng maraming heneral ng pulisya, na pagkapuwestong-pagkapuwesto sa isang rehiyon ay nagbababala sa jueteng lords na, “Humanda kayo.” Sa mga bulok na pulis, ang ibig sabihin kasi ng babala na ‘yon ay, “Ako na ang bagong kausap ninyo dito, kaya magpugay kayo.” Saka ngayon regular na magde-deliver sa kanya ng bayong-bayong na pera ang jueteng lords, bilang protection money.

At dahil nga akala ng mga talamak na kawatan sa Customs na nagpaparinig si Lim, sumubok ang mga manunuhol. Nabalitaan ni Lim na meron nang nakahandang “tara” (“tong” sa salitang pier) para sa kanya, na maari nang kunin ng kanyang itinalagang kinatawan. Hindi lang ‘yon, may mga umikot ding ka­watan na nagsasabing inatasan sila ni Lim para maningil ng “tara.”

Agad pinahuli ni Lim sa akto ang dalawang naturang mangingikil. Sayang at hindi niya na-setup ang naunang naghanda ng “tara” para magsilbing leksiyon na may bago na’t matuwid na palakad sa Customs.

Nang batang opisyal militar si Lim, nasangkot siya sa mga kudeta, sa hangad na linisin ang pamunuan ng gobyerno. Nakulong siya dahil sa December 1989 coup, pero nakabalik sa serbisyo at umangat hanggang naging hepe ng elite Army Scout Rangers. Muli siyang nasangkot sa February 2006 coup attempt laban kay Gloria Macapagal Arroyo, pero na-absuwelto at sumapi sa partido ni Noynoy Aquino.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com

ARMY SCOUT RANGERS

DANNY LIM

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

HUMANDA

LIM

NOYNOY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with