^

PSN Opinyon

Baguhin ang definition ng homosexual

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Ang pagiging homosexual ay isang matibay na dahilan upang ipawalang bisa ang isang kasal. Ipinawalang bisa ng Mataas na Hukuman ang kasal ng isang babae sa lalaking itinago ang kanyang pagiging bakla.

Maraming bakla ang binago ng Diyos at bagamat effe­minate pa rin o malamya ang kilos ay hindi na nagpa-prac­tice ng homosexuality o pakikipagtalik sa kapwa lalaki. Naging responsable at mabuting kabiyak sa kanilang mga asawa.

Madalas, mas mabuti pa silang asawa at ama kaysa roon sa mga tinatawag ng “straight”. Walang imposible sa Diyos. Ang taimtim na naghahangad na magbago ay binabago niya.

Dapat silang bigyan ng pagkakataong maipakita ang gina­wang pagbabago sa kanila ng Panginoong Diyos. Kung hindi, malamang magbabalik sila sa dating kalagayang bakla.

Siguro, dapat baguhin ng batas ang legal definition ng homosexuality. Kahit pa bakla, kung tumutupad sa Salita ng Diyos at hindi nakikipagtalik sa kapwa lalaki ay hindi na dapat ituring na homosexual.

Ang katagang homosexual ay pantukoy din sa mga les­bian o babaeng nakikipagrelasyon sa kaparehong babae. Kahit sila man na naturingang tomboy ay maaaring baguhin ng Diyos.

Mahalaga rin na kung ang isang bading na hindi na gumagawa ng homosexual practice ay manliligaw sa babae, ipagtapat niya ang katotohanan. At sana, ang unang tingnan ng babae ay yaong mabuting katangian ng isang nanliligaw.

HOMOSEXUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with