^

PSN Opinyon

Ang Pilipinas at mga kalamidad

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

NAKAAALARMA ang inilabas kamakailan ng United Nations na nagsasabing ang Pilipinas ang ikatlo sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamataas na peligro sa mga kalamidad. Ito ang sentro ng talakayan namin ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.

Sa World Risk Report 2011, sinuri ng UN ang kalagayan ng mga bansa hinggil sa “social vulnerability, exposure to natural hazards and climate change,” at kung ano ang mga ginagawang hakbangin hinggil dito. Base sa report, nangunguna ang Vanuatu at Tonga sa mga bansang pinakamatindi ang peligro sa mga kalamidad.

Maraming kalamidad ang dumaraan sa Pilipinas taun-taon at ang mga ito ay nagdudulot ng grabeng pagkasalanta sa agrikultura, imprastraktura, kapaligiran, ekonomiya at sa mismong mga komunidad. Sa harap nito ay pinansin ng UN ang “lack of preparedness, coping and adaptive capacities at the national and local levels” ng ating bansa hinggil sa mga kalamidad. “Although there are individual plans and programs for disaster-risk reduction at the local, regional and national levels, the management of such extreme events is often problematic and demonstrates the limits of existing capacity in these areas,” sabi sa report.

Ayon kay Jinggoy, dapat asikasuhin ang pagtugon sa mga nagaganap na kalamidad. Noon ay isinulong niya ang “comprehensive disaster management” na naglala-yong paganahin ang isang sistema ng pagtutulungan ng pamahalaan, private sector groups, voluntary orga­nizations at mga mamamayan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga programang sasaklaw sa lahat ng aspeto ng pagharap sa kalamidad – mula sa prevention, mitigation, preparedness, emergency operations, relief hanggang rehabilitation.

* * *

Happy birthday kay da-ting South Cotabato Representative at Mindanao Development Authority (MinDA) chairman Luwalhati “Lu” Antonino at LTFRB Chairman Jaime “James” Jacob.

ANTONINO

AYON

CHAIRMAN JAIME

MINDANAO DEVELOPMENT AUTHORITY

PILIPINAS

SA WORLD RISK REPORT

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

SOUTH COTABATO REPRESENTATIVE

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with