^

PSN Opinyon

Cooperative sagot sa tumataas na presyo

- Al G. Pedroche -

PROBLEMA ng milyun-milyong Pinoy ang walang habas na pagtaas sa halaga ng mga consumer good pati na ang elektrisidad. Pero alam ba ninyo na halos isang milyong Pilipino ang nagtatamasa ng mababang halaga ng kuryente dahil sila’y kasaping consumers sa mga electric cooperatives? Pitong kooperatiba sa elektrisidad ang nakapagbibigay nang ganyang mababang singil na umaabot sa P78 bawat kilowatt hour simula pa noong Agosto ng taong ito.

Katumbas nito’y bawas na P78 kada buwan sa kanilang electric bills para sa mga households na kumukunsumo ng 100 kilowatt-hours (kwH) o P780 bawat buwan sa mga negosyanteng kumukonsumo ng 1,000 kilowatt-hours.

Ayon kay Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC) Partylist Congressman Ponciano Payuyo, madaragdagan pa ng kalahating milyon ang mga member-consumers ng limang bagong electric cooperatives na magtatamasa ng mababang singil sa kuryente bago matapos ang taon. Ang kailangan lang ay makakuha sila ng certificate of tax exemption mula sa BIR. Maganda at praktikal na konsepto ito.

Palibhasa’y bibigyan ng tax exemption ang 12 electric cooperatives na nakarehistro sa Cooperative Deve-lopment Authority (CDA).

“All tax exemption privileges enjoyed by CDA-registered electric cooperatives are passed on to our member-consumers in the form of power rate reductions,” ani Payuyo. Si Payuyo, ay isang accountant na na-ging General Manager ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) bago naging partylist representative.

May magandang batas tayo sa kooperatibismo. Kung magkagayon, mainam siguro kung marami ang magbe-venture dito sa ibang mga kalakal kung ang hangad natin ay bumaba ang presyo ng mga bilihin. Sa kooperatiba kasi, ang mga konsumer ay kasosyo sa negosyo. Kaya ang tax privilege ay naipapasa sa mga konsu-mer sa pamamagitan ng bawas-presyo sa kalakal. Tingin ko, kailangan pang itulak ang ideyang ito para masakyan at maunawaan ng madla ang kagandahan ng pagtatayo ng mga kooperatiba.

AGOSTO

ASSOCIATION OF PHILIPPINE ELECTRIC COOPERATIVES

COOPERATIVE DEVE

ELECTRIC

GENERAL MANAGER

PALAWAN ELECTRIC COOPERATIVE

PARTYLIST CONGRESSMAN PONCIANO PAYUYO

SI PAYUYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with