^

PSN Opinyon

Ambassador Thomas huwag didikdikin sa 'sex tour' issue

- Al G. Pedroche -

DAHIL sa pagsasabing karamihan sa mga dayuhang turista na nagtutungo sa Pinas ay “sex” lang ang hanap, mukhang may balak ang gobyerno na maghain ng diplo­matic protest laban sa embahador ng US na si Harry Thomas.

Sa tingin ko’y walang masamang intensyon ng paninira si Thomas at sa halip, pakasuriin ng gobyerno ang situwasyon at umaksyon laban sa laganap na prostitusyon sa bansa. Kung nagsasadya sa bansa ang mga turista dahil sa “sex” malinaw ang rason: May prostitusyon. At kung talamak ang prostitusyon kahit labag sa batas, malinaw na may kakulangan ang pamahalaan at mga tagapagpatupad ng batas.

Kahit si Bishop Emeritus Teodoro Bacani ay tumututol sa plano ng pamahalaan na maghain ng diplomatic protest laban kay Thomas. Korek ang Obispo. Imbes na maghain ng protesta, mas mabuting tutukan na lamang ng pamahalaan ang problema at umaksyon upang hindi bansagan bilang bansa na nagbebenta ng panandaliang aliw.

“Hindi tama. Hindi tamang gawin yan. Dapat asikasuhin ng pamahalaan ang prostitusyon dito. Huwag mag-po-protesta. Kung nagkamali man yun, mabuting magising na tayo. Hindi naman yun paninira sa atin e kundi isang babala!” ani Bacani.

Kawawang Thomas! Umani siya ng batikos mula sa iba’t ibang sektor matapos sabihin na 40 porsiyento ng mga lalaking dayuhan  ay nagpupunta lamang sa bansa para sa panandaliang aliw.

Ayon naman kay Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People, Executive Sec. Rev. Fr. Edwin Corros na magsilbing mala­king hamon para sa pamahalaan na patu­nayang mali ang mga ipinahayag ni Thomas dahil kung hindi, ay magiging kahiya-hiya tayo sa ibang bansa.

 Tama iyan. Huwag balat sibuyas. We ought to take such critical statements as constructive at huwag akusahan ang taong nagsasabi na naninira.

AYON

BISHOP EMERITUS TEODORO BACANI

CATHOLIC BISHOP CONFERENCE

EDWIN CORROS

EPISCOPAL COMMISSION

EXECUTIVE SEC

HARRY THOMAS

HUWAG

KAWAWANG THOMAS

MIGRANT AND ITINERANT PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with