'Ano po ba ang emphysema?'
— Linda De Guzman, Victory Ave., Tatalon, Quezon City
Kapag may nagtatanong kung ano ang mabuting gawin para matigil ang pag-ubo-ubo na may kaugnayan sa paninigarilyo, ang sinasabi ko ay itigil ang paninigarilyo. Ito ang pinaka-epektibong paraan para makaiwas sa sakit.
Ang emphysema ay sakit sa baga na hindi na maaaring gamutin. Ang mga sugapa na sa paninigarilyo ang madalas maging biktima ng sakit na ito. Nasa panganib din ng pagkakaroon ng emphysema ang mga nagtatrabaho sa polluted na lugar.
Umaatake ang emphysema kapag ang maliliit na air sacs sa baga ay namaga at ang walls na nakapaligid dito ay nasisira o nasusugatan. Magiging dahilan ito ng pag-impis ng baga at magkakaroon ng reduction sa oxygen na ina-absorbed. Dahil sa nangyayaring ito mag-eexert ng effort ang lungs para mag-expand na magbibigay naman ng strain sa puso kapag nagbomba ng dugo patungo sa mga baga. Ang may emphysema ay madaling mapagod kahit sa kaunting pagkilos.
Itigil ang paninigarilyo para makaiwas sa sakit. Siguruhin na ang diet ay mayaman sa antioxidant nutrients. Ang Vitamin C ay mayaman sa antioxidant. Pinapatay ng antioxidant vitamins ang mga free radicals na pumipinsala sa cells na nagdudulot ng degenerative disorders. Ang free radicals na nasa katawan ay dumadami pa dahil sa paninigarilyo at air pollution.
- Latest
- Trending