^

PSN Opinyon

Singapore

K KA LANG? - Korina Sanchez -

NAKASAMA ko kamakailan ang ilang kaibigan na ka­ gagaling lamang sa Singapore. Walang patid ang kanilang puri sa maliit na bansa. Mula sa linis ng lugar, hanggang sa bait ng mga tao. Ang kanilang tanging pintas ay ang mainit na klima. Pero dahil mainit din naman ang klima natin sa Pilipinas, hindi malaking bagay iyon para sa kanila. Naaalala ko tuloy ang aking mga karanasan din sa Singapore, at sang-ayon ako sa mga binanggit ng mga kababalik kong kaibigan.

Pagdating mo pa lang sa kanilang airport, mapapan- sin mo na ang linis ng lugar. Maya’t maya ay may naglilinis! Paglabas mo sa kalye, mapapansin ang ubod-linis, nakahilera ang mga magagandang bulaklak na iisa ang kulay! Tanong ko, bakit hindi natin magawa ito sa Roxas Blvd.? Sa Singapore, walang mga makukulay na ilaw o kung ano pang mga dekorasyon, malinis lang talaga at puro halaman/bulaklak. Pagdating ko sa hotel na tutuluyan, ganundin! Malinis at puro halaman.

Nang magsimula akong maglakad papuntang Orchard Road na pangunahing kalsada ng komersiyo, napansin ko na naman ang linis ng lugar. Lahat ng kanal ay tuyong-tuyo at walang nakabara sa mga pasukan ng tubig! Kaya siguro wala akong naranasang kagat ng lamok! Habang naglalakad ako, napansin ko ang napakalaking gate. Tinanong ko ang isang guwardiya na nakabantay sa gate kung ano yung lugar na iyon, iyon na pala ang palasyo ng kanilang pangulo. Sabi ko sa sarili ko, nasaan ang mga sundalong nagbabantay. Nasaan ang mga konkretong harang katulad ng mga nasa Mendiola? Nasaan ang mga barbed wire na harang? Para sa mga taga-Singapore, hindi kailangan ang mga iyon!

Kapansin-pansin din ang ubod ng galang ng mga tao. Kung mawala ka at magtanong ka sa mga masasalubong mo, tuturuan ka nang husto hanggang sa maintindihan mo ang paliwanag nila! At ordinaryong mamamayan pa lang iyon. Kung sa pulis ka magtatanong, baka samahan ka pa sa pupuntahan mo! Malaking tulong na rin na maraming marunong magsalita ng Ingles, kahit apat ang kinikilalang salita sa Singapore. Ang disiplina sa kalye ay wala ring katulad sa lahat ng mga bansang napuntahan ko. Kapag oras ng pagtawid ng mga naglalakad, ginagalang ito ng mga sasakyan. Hindi sila aabante hanggang nakatawid na lahat! Di ko tuloy alam kung disiplina ito o dahil mabait lang talaga ang mga tao! Iba talaga!

Kaya itatanong ko muli, bakit hindi natin magawa ang mga ganyan sa Pilipinas? Sa Singapore, pinagmamalaki ng mga mamamayan ang kanilang mga sistema at kaugalian. Kapag may tila hindi sumusunod sa kanilang mga patakaran, multa agad nang malaking halaga. Kaya maraming sumusunod, dahil ayaw mapahiya at ayaw mamultahan ng malaki. Tayo, anong katangian natin bilang Pilipino ang hinahangaan ng mga bisita ng bansa? Bakit sa linis pa lang, hindi natin magawa kung para sa lahat naman ang mga benepisyo nito? Nakakalungkot isipin na marami tayong hindi magawa, dahil na rin sa sarili nating mga masamang kaugalian, katulad ng korapsyon at kakulangan sa edukasyon. Nakakapanghinayang dahil maganda naman ang bansa natin. Yung tao na lang talaga ang problema!

KAPAG

KAYA

NASAAN

ORCHARD ROAD

PAGDATING

PILIPINAS

ROXAS BLVD

SA SINGAPORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with