^

PSN Opinyon

2 kuwento ng hayop, kapupulutan ng aral

SAPOL - Jarius Bondoc -

ANG PALAKA sa Balon. May isang palaka na nakatira sa mababaw na balon. Nang bumisita ang pagong mula sa dagat, pinagmalakihan agad ito ng palaka: “Tingnan mo kung gaano karangya ang buhay ko dito sa balon. Patalun-talon at palanguy-langoy, pakain-kain at patulug-tulog. Wala nang sasarap pang buhay. Dalas-dalasan mo ang pagbisita dito para magpaka-saya ka.”

Lulusong na sa balon ang pagong nang sumabit ang paa sa butas sa gilid nito. Huminto siya at inilarawan sa palaka ang karagatan na tirahan niya: “Napakalaki ng dagat, mahigit isang libong milya languyin at sampung libong talampakan sisirin. Nung nagkabaha nang siyam sa sampung taon, hindi nadagdagan ang tubig sa dagat. Nung tagtuyot nang pito sa walong taon, hindi nabawasan ang tubig. Libong taon na, gan’un pa rin ang lawak at lalim niya, kaya masaya ako tumira doon.”

Napatahimik, napahiya ang palaka, na tila akala na ang langit ay kasing laki ng bunganga ng balon.

* * *

Ang Aso na Nakinabang sa Tigre. Habang nangangaso ng makakain, nabitag ng tigre ang aso na namamasyal sa gubat. Mabilis nag-isip ang aso, at nagsabi sa tigre: “Hindi mo ako maaring kainin. Itinalaga ako ng Hari ng Kalawakan na pinuno ng lahat ng hayop. Kung kainin mo ako, susuwayin mo ang pasya ng Hari, at lagot ka sa kanya. Kung ayaw mo maniwala, sundan mo ako, at makikita mo kung katakot sa akin ang iba pang mga hayop.”

Sumunod nga ang tigre sa aso. At kahit saan sila tumungo, kumakaripas sa takot ang mga hayop. Ang hindi alam ng tigre ay sa kanya pala, at hindi sa aso sila natatakot.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

ANG ASO

DALAS

HABANG

HARI

HUMINTO

ITINALAGA

KALAWAKAN

LIBONG

LULUSONG

NUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with