^

PSN Opinyon

'Gagarantor ka pa ba?'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

MAHILIG ka bang mag-garantor o magco-maker sa mga utang ng iyong kaibigan, kakilala o kaanak?

Mag-isip ng ilang libong beses bago mapasubo sa isang responsibilidad na pagsisisihan sa huli.

Katulad ng isang ginang na lumapit sa BITAG, malaking problema ng takbuhan ng kaniyang kasamahan sa trabaho ang loan nito sa banko. Ayon sa misis, awa lamang ang nagpapayag sa kanyang maging garantor ng kanyang kasamahang nag-loan sa banko dahil gagamitin daw ito pampagamot ng kaanak.

Katulad ng inyong iniisip, biglang nawalang parang bula at hindi na nakipagkita sa ginang ang kanyang katrabaho matapos makuha ang loan sa banko. Si misis na nagrereklamo sa BITAG, hinahabol ngayon ng banko dahil siya ang garantor na nakapirma sa dokumento. At sa oras na hindi ito mabayaran, tiyak kasama rin siya sa asunto.

Tsk-tsk! Kawawang ginang, ang magandang intensiyon na pagtulong sa kapwa, napalitan ng panggagantso at mabigat na obligasyon.

Narito ang simpleng tip para huwag mapasubo sa mga kompromisong tulad nito. Una, huwag pumayag na mag-garantor sa mga bagong kakilala o kaibigan kung ayaw mong ma-wan-tu-tri ka.

Ikalawa, siguraduhing malinis ang financial status o walang patung-patong na problema sa pera ang inyong ga-garantoran. Paniguradong tatakbuhan din ang bagong utang kung ang mga dating transaksiyon ay hindi pa napaplantsa.

Ikatlo, sakaling hindi maiwasang hindi mag-garantor sa na­ngungutang, basahing maigi ang loan contract bago pirmahan.

Ikaapat, mas mainam na sa malapit na kamag-anak, kadugo o pinagkakatiwalaang kaibigan lamang tumayong garantor.

Subalit ang pinakamainam na diskarte, magsisi sa umpisa pa lamang bago pumirma ng anumang dokumento. Sa huli, walang tutulong sa inyo maliban sa pagdusahang bayaran ang perang hindi kayo ang nakinabang.

Tandaan, ang pagpirma bilang co-signer, co-maker o garantor ay isang malaking pananagutan sa bangko kapag pumalyang magbayad ang nangutang nito.

Mag-isip, maging listo at magpakasiguro bago saluhin ang isang kalbaryo. 

AYON

GARANTOR

IKAAPAT

IKALAWA

IKATLO

KATULAD

KAWAWANG

NARITO

PANIGURADONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with