^

PSN Opinyon

Literacy para sa pag-unlad

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

ESENSIYAL sa pag-unlad ng bawat bansa ang kaka-yahan ng mga mamamayan na bumasa at sumulat (literacy).

Ito ang binigyang-diin ng United Nations (UN) kaugnay ng pag-obserba sa International Literacy Day noong nakaraang Setyembre 8 na may temang “Literacy and Peace.” Ayon sa UN, “Literacy unlocks the capacity of individuals to imagine and create a more fulfilling future. It opens the way to greater justice, equality and progress. Literacy can help societies heal, advance political processes and contribute to the common good.”

Sinabi ng UN na nakalulungkot na patuloy na luma­lala ang problema ng “illiteracy” sa buong mundo, kung saan ay umaabot na umano sa 800 milyong katao ang hindi marunong bumasa at sumulat. Dagdag nito, “Illiteracy exacerbates cycles of poverty, ill-health and deprivation. It weakens communities and undermines democratic processes through marginalization and exclusion.”

Una rito ay napaulat na umaabot sa 15 milyong Pilipino ang nabibilang sa kategoryang “illiterate.” Sa bilang na ito umano, apat na milyon ang hindi marunong bumasa o sumulat ng kahit anong pangungusap, habang ang 11 milyon ay “functionally illiterate,” o nahihirapang bumasa, sumulat at umunawa sa instruksiyon, direksiyon, patakaran at iba pa. Lalo umanong nagiging mabigat ang sitwasyong ito sa marami nating kababayan dahil karamihan sa communication requirements ay nakasulat sa English.

Ayon sa aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, dapat aksiyunan ng pamahalaan ang problemang ito. Kaugnay nito ay pinanukala niya ang Senate Bill No. 821 (Strengthening the role of the vernacular and Filipino in functional literacy). Layon ng panukala na palaganapin sa sistema ng edukasyon ang wikang Filipino gayundin ang mga dialect na ginagamit sa iba’t ibang probinsiya at rehiyon.

Birthday greetings:

Ba­ta­an Governor Tet Garcia (September 13) at Aurora Governor Bel­la Angara-Castillo (Sept. 14).

ANGARA-CASTILLO

AURORA GOVERNOR BEL

AYON

DAGDAG

GOVERNOR TET

LITERACY AND PEACE

LITERACY DAY

SENATE BILL NO

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with