^

PSN Opinyon

'Nakatutulong ba ang pag-inom ng tea para hindi kabagan?'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

“Madalas po akong kabagan at hindi ko alam kung ano ang dapat inumin o kaya ay iti-take na gamot. Malakas po akong uminom ng softdrinks. May nakapagsabi po sa akin na mahusay daw ang tea para hindi kabagan. Totoo po ba ito?” —MARILES MORALES, Congressional Ave. Quezon City

Makatutulong ang tea para hindi ka kabagan. Uminom ng tea pagkatapos kumain. Ang tea ay nakatutulong sa pagtunaw ng pagkain. Iwasan mo munang uminom nang sobrang softdrinks.

Lahat ng tao ay nakararanas kabagan. Kinakabagan tayo dahil sa pag-increased ng bacteria na nasa undigested carbohydrates at proteins. Pero ang kabag ay maaari ring maging sintomas ng iba pang kondisyon kagaya ng chronic constipation o chronic ulcer. 

May mga taong madaling magkaroon ng kabag at meron namang hindi. 

Ilang paraan para maiwasan ang kabag ay ang mga sumusunod: Umiwas kumain ng heavy meals, kumain lamang nang marahan at huwag masyadong uminom ng softdrinks. Makatutulong din para hindi kabagan ang pag­lalagay ng herbs o spices sa pagkain.

Ang mga ito ay makatutulong para madaling ma-digest ang pagkain gaya ng repolyo na karaniwang nagiging dahilan ng kabag. Sa pagluluto, kailangang fresh water ang gamitin para ma-reduce ang indigestible sugars na dahilan din ng kabag. Damihan ang intake ng fiber foods para hindi kabagan.

DAMIHAN

ILANG

IWASAN

KABAGAN

KINAKABAGAN

LAHAT

MAKATUTULONG

PARA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with