^

PSN Opinyon

Na-TKO si Navarro

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

TAGUMPAY ang sumbong ng mga pulis na niyapakan at niyurakan ng Navarro Group. “Ika nga sa boksing, na-TKO ang doberman na si Ver Navarro”. Isang malakas na kanan sa panga ang tumama kay Navarro at hindi na siya nabilangan pa ng referee na si Interior Sec. Jesse Robredo. Nasibak bilang kolektor ng CIDG si Navarro at maraming pulis ang natuwa dahil naalis ang kalawang na sumisira sa kanilang imahe. Dapat sinibak din ang sidekick ni Navarro na si Emeng Macasaet para tuluyan nang manahimik ang Maynila at mga siyudad sa Southern Police District. Ang dapat gawin ni Robredo ay ikulong ang mag-among Navarro at Macasaet para hindi tularan. Kaya ang natitirang doberman sa kalye sa ngayon ay sina Egay Lazaro sa NPD at Boyet Kalabaw sa QCPD.

Dapat ipa-ban ni Robredo ang bidding ng lingguhang intelihensiya sa PNP. Tulad ng bidding sa chopper, rubber boats, at repair ng V-150, may anomalya rin dito at ang imahe ng PNP ang nasisira. Sa bidding kasi na ginagawa ng tropa ni Navarro, siyempre sila ang nananalo dahil alam nila ang “laman” ng kalye. Halos sa buong buhay nila, kolektor ng lingguhang intelihensiya ang namulatan ng mga doberman na ito sa halip kasi na inguso nila ang mga puwesto sa tamang raiding team ng mga pulis ay pilit nila itong itinatago upang mahuthutan. Ang apektado ay ang imahe ng PNP na karamihan naman sa opisyales ay matino at public service talaga ang nasa isipan.

Kapag nanalo sa bidding, nauutusan ng mga doberman tulad ni Navarro ang mga pulis. Sina Navarro, Macasaet, Kalabaw at Lazaro ay mga sibilyan subalit nauutusan nila ang mga tunay na pulis para itaas ang lingguhang intelihensiya. Kasama kasi ito sa usapan sa bidding. Kung ikaw ay pulis, papayag ka bang utusan ng sibilyan, maliban kay Robredo at iba pang opisyal ng DILG o Napolcom? Siyempre hindi. Kaya inaamin ng ilang miyembro ng Task Force Maverick, ilan dito opisyal pa ha, na nabababoy ang opisina nila sa ginagawa ng tropa ni Navarro. Subalit kahit huli man, nagpapasalamat ang kalye at naligwak si Navarro at sana pati si Macasaet. Pero hindi dapat magselebra sa pagka-TKO ni Navarro. Maaaring gumamit ng dummy si Navarro para ipagpatuloy ang masamang gawain. Abangan!

BOYET KALABAW

DAPAT

EGAY LAZARO

EMENG MACASAET

INTERIOR SEC

JESSE ROBREDO

MACASAET

NAVARRO

ROBREDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with