^

PSN Opinyon

Lupang hinarang

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ANO ang gagawin mo, kung pagkagising mo isang araw ay mga armadong tao, kasama pa ang ilang pulis na SWAT, sa pinto mo at sinasabing kailangan mo nang umalis ng bahay mo dahil hindi sa iyo ang pag-aari ng lupa? Lupa na binili mo sa hirap ng pagtatrabaho, at hindi mo naman minana o nakuha sa masamang paraan. Lupa kung saan may ligal na titulo ka, na gumaan sa tamang proseso ng paglipat sa pangalan mo, nang bayaran mo ito. Natural lamang ay ipaglalaban mo, hindi ba? Ganito ang hinaharap ng napakaraming bahay at negosyo, dahil sa pag-aangkin ni Wilfredo Torres na siya raw ang may-ari ng higit 24 na ektaryang lupain sa Visayas Ave., Quezon City.

Dumating ang kasosyo ni Torres na si Samuel Rodriguez sa Wilcon Builders Depot at pilit pinalalayas na ang lahat ng tao sa loob ng nasabing lugar, dahil sa kanila raw ang lupain at trespassing na raw sila. Dumating ang abogado ng Wilcon, at hindi natuloy ang mala-militar na pagsakop ng lugar! Pero siguradong hindi ito ang huling pangyayari sa isyung ito, na tila puputok na sa mukha ng Quezon City! Kung ang mga squatter ay lumalaban para sa lugar na hindi sa kanila, paano pa kaya iyong naniniwalang sa kanila naman ang mga lugar nila?

Hindi ko alam kung bakit umaabot na sa ganitong klaseng paghawak sa sitwasyon? Hindi ko alam kung ano ang nasa-isip nina Torres at Rodriguez na puwede na lang silang magpalayas ng mga maybahay o ng mga negosyo? At hindi ko rin maintindihan kung bakit may mga kasamang SWAT pa! Ang SWAT ay tinatawag lang sa mga delikadong sitwasyon, kung saan may malinaw na kriminal na nagdadala ng panganib sa buhay ng ibang tao. Nasaan ang panganib dito? Kasing armado ba nila ang mga haharapin nila?

Sigurado magiging madugo ang labanan nito. Sa tingin ko hindi basta aalis na lang ang mga nakatira sa pinagtatalunang lupain. Kapag lupa na talaga ang pinag-uusapan, masalimuot ang labanan. Kaya dapat pag-aralan ng lahat ng panig ang mga dokumentong hawak. Kung mayroong may-ari pala ng lahat ng lupain na iyan, bakit pinayagang maibenta nang maibenta hanggang sa mga kasalukuyang may-ari? Si Torres naman, ayon sa gobyerno ay marami na palang kasaysayan ng pag-aagaw ng lupain at sindikatong squatter, at nasa listahan pa ng mga binabantayang sindikato. Kung ganito naman ang makakaharap mong tao at grupo, hindi ka ba lalaban din? Kailangan nang pumasok ang gobyerno sa gulong ito sapagkat maraming tao ang apektado. Mga taong may karapatan din sa mga lupang pag-aari nila.

vuukle comment

DUMATING

KUNG

LUPA

QUEZON CITY

SAMUEL RODRIGUEZ

SI TORRES

VISAYAS AVE

WILCON BUILDERS DEPOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with