^

PSN Opinyon

MILF peace talks paano pa isusulong?

SAPOL - Jarius Bondoc -

MULING nagkita ang peace panels ng Government of the Philippines at Moro Islamic Liberation Front sa Kuala Lumpur nu’ng Agosto 22. Nang mabuno ang magagaan na isyu, iprinesenta ng GPH ang panukala nito na “Genuine Autonomy” para sa Bangsamoro. Agad itong tinanggihan ng MILF. Anila malayo ang autonomy sa mithiin nilang sub-state, na sinaad sa kanilang “Final Working Draft for a Comprehensive Compact.” Pormal nila umano ipare-reject sa MILF central committee ang GPH position. Sabi naman ni GPH panel chairman Marvic Leonen hindi maari ipatupad ang anumang bahagi ng sub-state kung labag sa Konstitusyon. Wala silang napagkasunduang petsa ng muling pag-uusap.

Ano ang ibig sabihin nito — kolapso na ba ang peace talks?

Hindi, ani Leonen. Lalo nga dapat magpatuloy ang usapang pang-kapayapaan, ngayong nagka-alaman na ng posisyon ang GPH at MILF. Para kay Leonen, mga panimulang posisyon ang “Genuine Autonomy” ng GPH at “Comprehensive Compact” ng MILF. Lumiham siya sa MILF ng mga suhestiyon kung paano magpapatuloy ang pag-uusap.

May katwiran si Leonen. Malaki nga ang pagkakaiba ng mga posisyon ng magkabilang panig, pero may mga pagka-pareho rin. Una na ang tatlong repormang hangad ng GPH ay nais din ng MILF:

l malawakang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pagtutulungan ng GPH at MILF;

l kapayapaan na pangangasiwaan Bangsamoro Commission na bubuoin ng mga kinatawan ng GPH, MILF, at mga Lumad; at

l muling pagsusulat ng kasaysayan at kultura upang alisin ang mga bigat ng dugo at maling pananaw na naghahati sa mga Kristiyano at Muslim, at mayorya sa menoryang Moro.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

BANGSAMORO COMMISSION

COMPREHENSIVE COMPACT

GENUINE AUTONOMY

GOVERNMENT OF THE PHILIPPINES

GPH

KUALA LUMPUR

LEONEN

MARVIC LEONEN

MILF

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with