'Ang global modus na Nigerian scam'
KAMAKAILAN, isang Liberian-Nigerian National ang hulog sa BITAG sa isang entrapment operation na ikinasa ng National Capital Region Police- Regional Police Intelligence Operatives Unit.
Isa ang suspek sa grupo ng mga dayuhang nagsa-gawa ng Black Money Scam sa ating bansa ngayon. Karaniwan, ilang manlolokong African, Liberian at Nigerian Nationals ang nasa likod ng modus na ito.
Isang global modus ang Black Money Scam. Kilala din ito sa pangalang Black Dollar, Wash-wash scam, Double your Money Scam at code 419.
Sa buong mundo, tinatawag itong Nigerian Scam dahil ang bansang pinagmulan nito ay ang Nigeria sa kontinente ng Africa.
Ilang malalaking bansa na ang nabiktima ng panlolokong ito tulad ng Russia, London, Amsterdam, United States at ngayon, ang Pilipinas. Taun-taon, umaabot sa 50,000 katao ang nabibiktima ng modus na ito.
Sa Pilipinas, unti-unti nang lumalaganap ang Black Money Scam na maituturing na kaso ng estafa at swind- ling. Nakikita na raw sa mga probinsiya ng Cebu, Bata-ngas at Bulacan ang mga dayuhang nasa likod nito.
May iba’t ibang estilo ng pambibiktima ng Black Money Scam. Una, gamit ang internet kung saan nagpapadala ng business proposal ang suspek sa pamamagitan ng e-mail.
Ipapaliwanag ng suspek kung paano tatakbo ang kanilang negosyo kuno. Padadalhan ng ilang pirasong black dollars ang biktima upang ituro kung paano ang paglilinis nito.
Magagawang linisin ng biktima ang ipinadalang black dollars dahil tunay na pera ang unang ipinadala.
Subalit sa susunod oorder ng package ang biktima na babayaran sa kaniyang katransaksiyon, peke na ang mga black dollars na ipadadala sa kaniya.
Ikalawa ay investment o pamumuhunan. Paulit-ulit lang na hihingian ng pera ang biktima pam-bili umano ng spesyal na kemikal para malinis ang mga black dollar.
Lingid sa kaalaman ng biktima, hindi na kailangan pa ng kung anong kemikal para linisin ang maruru-ming pera. Sa simpleng maligamgam na tubig at pulbos ng vitamin c lamang, babalik muli ang pera sa dati nitong itsura.
At ikatlo, pangakong dodoble ang perang ilalabas ng biktima. Dito nangyayari yung switching kung saan, ang tunay na perang nailabas ng biktima ay naitakbo na ng suspek.
Habang ang mga perang ibinalot at hawak ng biktima ay mga construction paper na lamang. Isa sa mga biktima nito, lumapit sa BITAG.
* * *
Abangan ang ka-buuan ng modus sa BITAG Live araw-araw tuwing 7:30 hanggang 9:00 ng umaga. Mukhaan ang dayuhang suspek at baka isa kayo sa nabiktima nito.
- Latest
- Trending