^

PSN Opinyon

US$41M ng SCP, niyari ng TRO

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

Marami nang nagrereklamo hinggil sa mga insurance companies na mabilis lang manguha ng pera ng mga kli­yente pero ayaw namang magbayad sa mga claims gaya ng nangyari sa isang kumpanya ng bakal na nasunugan.

Sabi ng mga abogado ng Steel Corporation of the Philippines, kinukwestiyon nila ang isang dibisyon ng Court of Appeals dahil sa mabilisang paglalabas ng Temporary Restraining Order (TRO), para pigilan ang pagbabayad ng limang insurance companies sa kanila.

Ayon sa mga abogado ng SCP, inutos ng Batangas City Regional Trial Court ang pagbabayad ng danyos sa kanilang client na may-ari ng nasunog na pabrika ng bakal sa Balayan, Batangas last year.

Sabi ng mga abogado ng SCP, sa naging desisyon ni Batangas RTC Judge Ruben Galvez ng Branch 3, last June 1, 2011, iniutos nito ang pagbabayad ng US$41 million sa SCP sa limang insurance companies na kinabibilangan ng Mapfre Insular Insurance Corp., New India Assurance Co. Ltd., Philippine Charter Insurance Corp., Malayan Insurance Co. Inc., at Asia Insurance Phil. Corp.

Ayon sa mga abogado ng SCP, ang mga insurance companies ay humingi ng Temporary Restraining Order sa CA dahil ayaw umano nilang bayaran ang kanilang kliente.

Sabi ng mga abogado sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kinukwestiyon na TRO na nailabas sa loob lamang ng tatlong araw ay pinonente ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier at kinatigan nina Associate Justices Estela Perlas-Bernabe and Sisenando Villon, Jr.  

Anang mga abogado sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, base sa record, ang petisyon ng five insurance companies ay inihain sa CA noong Hunyo 7 at ang  petisyon ay binubuo ng 70 pahina na may kalakip na limang makakapal na volumes of annexes at may petsang Hunyo 6. Noon June 9 nang matanggap ng mga lawyer ng SCP ang kopya ng petisyon pero laking gulat ng mga ito nang mapag-alaman nila noong Hunyo 13 naglabas na ng TRO ang Special Fifth Division  pabor sa kalaban.

Sabi ng mga abogado ng SCP, makikita sa mga pangyayari na napakatulin ng paglalabas ng TRO ng CA parang napaka-imposible umano nito dahil sa kapal ng mga annexes sa inihaing petition.

Nagtataka rin ang mga abogado ng SCP kung bakit walang takdang panahon na inilagay sa TRO na mistulang ‘injunction order’ at lalung nagpapalakas sa kanilang hinala na may nangyaring umanong ‘magic’ sa Court of Appeals?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga lawyer, labag ito sa A.M. No. 07-7-12 na inilabas ng Supreme Court na nagtatakda na bago maglabas ng TRO ang mga hukuman ay kailangang mabigyan ng notice ang mga partido at kailangang magkaroon ng summary hearing tungkol dito.

Hindi rin katanggap-tanggap ang argumento ng mga insurance firms na maaari silang mag-close shop kung pipilitin silang magbayad ng US$41 million dahil alam naman ng lahat na nirere-insure rin ng mga kumpanyang ito ang mga perang kanilang nalilikom mula sa mga kliyente.

Sabi ng mga abogado ng SCP, kahina-hinala rin kung bakit sa kabila ng laki ng danyos na sangkot sa usapin ay P500,000 lang ang hininging bond ng Special Fifth Division gayung US$41 million ang danyos na iniutos ng Batangas RTC na ibayad ng mga insurance firms sa SCP.

Sabi ng mga lawyer sa mga kuwago ng ORA MISMO, “In view of the foregoing, SCP has moved for the inhibition of the justices of the Special Fifth Division handling the case because it has now grave doubts as to their impartiality due to the perceived irregularities in the issuance of the TRO/injunction.’

vuukle comment

ABOGADO

BATANGAS

COURT OF APPEALS

HUNYO

INSURANCE

SABI

SCP

SPECIAL FIFTH DIVISION

TEMPORARY RESTRAINING ORDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with