^

PSN Opinyon

Libingan ng mga Bayani

PILANTIK - Dadong Matinik -

Paksa ng usapan: Saan ililibing

ang mga bayaning naglingkod sa atin?

Ang bayaning Rizal na lubhang magiting

siya’y nakabaon sa Rizal monument!

Ang Rizal monument ating nakikita –

Bagumbayan noon ngayon ay Luneta;

Nang siya’y patayin ng mga Kastila

kanyang binagsakan ngayon ay parke na!

Ang sunod na tanong – Mabini, Del Pilar

mga bangkay nila ay saan nalagay?

Ang libingan nila’y di gaanong alam

ng marami nating mga kababayan!

Sina Quezon at Balagtas mga bayani rin

kanilang libingan ay sa bansa natin;

Kaya lang ang hindi maaring tiyakin

kung saan talaga sila nakalibing?

GomBurZa, Plaridel – sila ay dakila

kung saan nalibing di-tiyak ng madla;

Kaya dapat namang sa ating historya

bayaning nalimbag ang pangalan nila!

Si Ninoy at Cory kapwa taga-Tarlac

dito sa Maynila sila ay natanyag;

Mga labi nila ay batid ng lahat

sa hindi sa malayo – Manila Memorial Park!

Doon sa Libingan ng mga Bayani

mga nakalibing kawal na nasawi;

Sila ay nagbuwis ng buhay na tangi;

nagsiyao silang bayaning-bayani!

May mga ilan ding kababayan natin

hindi man lumaban sa gitna ng dilim;

Dahil kinilala sa gawang magaling

libing ng bayani kanilang naangkin!

At ngayo’y sumulpot ang malaking tanong 

saan ililibing si President Marcos?

S’ya ay presidenteng sa baya’y naglingkod

dapat kaya siyang doon magkapuntod?

ANG RIZAL

BAGUMBAYAN

DEL PILAR

KAYA

MANILA MEMORIAL PARK

PRESIDENT MARCOS

RIZAL

SI NINOY

SINA QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with