^

PSN Opinyon

Si Marikina mayor Del de Guzman uli

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

HINDI pa pala tapos si Marikina City Councilor Elmer Nepomuceno at ang lease contract naman ng Marikina Hotel at Convention Center ang sinisilip. Matapos niyang ibulgar ang anomalya sa 17 proyekto ni Marikina City Mayor Del de Guzman na tapos na bago gumawa ng resolusyon ang konseho, ang napipintong P600 million loan sa Philippine Veterans Bank at ang MOA sa Mercury Drug na maraming espasyo na naiwang blanko, nasa war path pa rin si Nepomuceno. At may punto naman si Nepomuceno kaya dapat aksiyunan ni De Guzman ang kanyang mga hinaing. Kapag hindi kumilos si De Guzman, lalabas na hindi ang kapakanan ng kanyang constituents ang nasa isipan niya kundi ang pagkakakitaan.

Ito palang Marikina Hotel at Convention Center ay nirentahan ng Prime Global Hotels Incorporated ng P1 milyon kada taon. Ang Prime Global ay nag-operate na mula pa noong Enero subalit hanggang ngayon, hindi pa nagbabayad dahil ayon sa kanilang abogado noong Abril lang pinirmahan ang lease contract. Ang ipinagtataka pa ni Nepomuceno, bakit may logo ng ABS-CBN na naka-display sa hotel? Ibig bang sabihin ipina-sub-lease ng Prime Global ang parte ng hotel? Nakasaad kasi sa kontrata na kapag me gagalawin ang Prime Global sa       hotel, kailangan muna itong dumaan sa approval ng City Council. Wala naman daw siyang matandaan na may inilapit ang Prime Global para i-sub-lease    ang parte ng hotel. Ano ba ‘yan? Ang ipinagtataka pa ni Nepomuceno, bakit ang volunteer workers ng hotel ay casual employees ng City Hall?

Hindi hinuhusgahan ni Nepomuceno ang Prime Global pero duda siya sa pagkatao ng isang John Rex Tiu na representante nito. Sa kanyang privilege speech, napuna ni Nepomuceno na si Tiu ay dumating sa kanilang konseho na naka-taxi at pre-paid ang cellular phone. Ang tanong ni Ne-pomuceno, anong klaseng negosyante si Tiu?

Sa kanyang pag-iimbestiga, natuklasan ni Nepomuceno na si Tiu at ang isang John Rex Tiu ay may kasong BP 22 o bouncing check sa Quezon City RTC Branch 38. Meron na daw itong arrest warrant. Meron din daw kasong estafa si Tiu sa ibang sangay ng RTC. Kung ang tinutukoy na Tiu ay iisa, tiyak hindi maganda ang kahihinatnan ng kontrata na pinasok ni De Guzman para sa Marikina Hotel at Convention Center. Abangan!

ANG PRIME GLOBAL

CITY COUNCIL

CONVENTION CENTER

DE GUZMAN

HOTEL

JOHN REX TIU

MARIKINA HOTEL

NEPOMUCENO

PRIME GLOBAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with