NAGTATALUNAN sa tuwa hindi lang si Maguindanao Governor Toto Magundadato kundi pati na rin ang pamilya ng mga biktima sa Maguindanao massacre at ang madlang people sa Philippines my Philippines ng ipagbagsak at ikandado ni P.Noy ang pintuan nito tungkol sa alok ni suspended Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan na maging state witness kaugnay sa mga nangyaring kagaguhan sa kanyang province noon panahon ni GMA.
Dapat sa kailangan huwag tanggapin ang apela ni Zaldy para maging 'state witness' kung ang pag-uusapan ay tungkol sa nangyaring Maguindanao massacre pero kung ang ikakanta niya ay regarding sa dayaan blues noon mga nakaraan eleksyon pakinggan dapat ng madlang people ang kanyang sasabihin pero dapat nakakulong pa rin ito.
Sabi nga, himas rehas sa kalaboso ang kailangan habang kumakanta siya ng kanyang gustong awitin. hehehe!
Akala yata ng iba kamote dyan ay magogoyo nila si P. Noy para ma-sacrifice ang justice system sa Philippines my Philippines tungkol sa isasalawal este mali isisiwalat pala ni Zaldy pati erpat at utol nito ay gusto pa niyang ilaglag.
Naku ha!
Ano ba ito?
Tungkol naman sa aawitin nitong bagong composition na kakantahin niya regarding sa sinasabing dayaan nangyari noon 2004 at 2007 elections.
PAKINGGAN ang kakantayin ni Zaldy tiyak marami ang makikinig sa kanyang song lalo na ang mga na olat noon sa hangalan este mali halalan pala.
The other day, nagulangtang ang mga kuwago ng ORA MISMO, ng mapanood at mapakinggan sa TV na 'panginoon' pala ni DOJ Secretary Leila de Lima si Zaldy. Hehehe!
Ito ang sabi niya hindi tayo.
Buti na lang at mabilis itong kumambiyo na nagkamali siya.
At kung si GMA, ang laman ng kakantahin nito tiyak marami ang makikinig dahil sangkatutak ang asar sa dating lady Prez.
Kung ang brutal na patayan including mga kabaro namin sa media sa korte, Zaldy, mo ito kantahin.
At kung ang isyu naman ay tungkol kay GMA tiyak marami ang makikinig sa 'song' mo Zaldy dahil hindi ka pa nga bumubuka ang bibig mo may mga intriga ng hindi na babalik sa Philippines my Philippines si Gloria.
Si Rep. Arroyo kasi madlang people ay nasa Spain sa isang speaking engagement doon.
Sa info ng mga kuwago ng ORA MISMO, today ang balik niya sa Philippines my Philippines.
Abangan.
Pila balde sa NBI clearance
NAGGAGALAITI sa galit ang madlang public sa pagkuha nila ng NBI clearance dahil sa haba ng pila at hindi ito biro.
Sabi nga, umulan man o umaraw nakapila ang mga pobreng alindahaw.
Ano ba ang nangyari?
Ayaw na kasi nila sa Mega Data, ang contractor na nagbibigay ng NBI clearance echetera.
Bakit?
Expired na ang contract nila
'Kapos ang kolum ng Chief Kuwago sa Tuesday ikukuento natin kung ano ang nangyari tungkol sa isyung ito.'
Abangan.