^

PSN Opinyon

Itapon sa Mindanao si PO2 Nomer Raymundo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAGBABANTA sa mga mamamahayag si PO2 No-mer Raymundo, naka-assign sa intelligence division ng Rizal Police Provincial Office (RPPO). Inupakan ko at ng iba pang mamamahayag si Raymundo na nasa likod ng video karera operation sa Cainta at Taytay. Nagsadya si Raymundo sa press office ng RPPO at sinabing hindi totoo ang bintang sa kanya. May sumisira lang daw sa magandang pangalan niya. At bago umalis, nagbitaw ng salita si Raymundo na alam naman ng lahat kung gaano siya kaasintado sa baril. Kaya ang mga mamamahayag sa Rizal ay nagpa-blotter na sa banta ni Raymundo.

Kung talagang hindi siya ang nasa likod ng video karera operation sa Cainta at Taytay, ang dapat gawin ni Raymundo ay pamunuan ang pagri-raid nito. At dahil sa intel siya ng RPPO, dapat alam niya kung saan namumugad ang mga video karera na salot sa hanay ng kabataan lalo na at pasukan ng klase sa ngayon. Hindi yung panay satsat siya. Si Raymundo ay isa sa mga tong collector ni Sr. Supt. Manuel Prieto, provincial director ng Rizal.

Nakapayong si Raymundo sa grupo ni SPO4 Rudy Abion na kung tawagin ng mga ilegalista sa Rizal ay Tata Rudy. Ang kasamahan ni Raymundo bilang tong collector ay sina PO1 Stephen Bagsik, PO3 Luis Jomok at isang bagong recruit na pulis na si PO1 Bryan. Ang pangalan ng tropa ni Tata Rudy ang isinisigaw ng mga gambling lords na sina Dong, Bong Sola at Rosie, na ang trabaho ay video karera, lotteng at terembe. Kung ang mga barangay ay nakakumpiska ng dalawang VK machines sa Cainta kamakalawa, bakit si Raymundo at mga tropa niya hindi makahuli?

Kung sa tingin ni Raymundo ay brusko ang dating niya sa pananakot na ginawa niya sa mga mamamahayag, nagkakamali siya. Dapat ipatawag si Raymundo ng Task Force Usig sa pamumuno ni Dir. Art Cacdac, ng directorate for investigation and detective management (DIDM) sa Camp Crame at paimbestigahan. Ang Task Force Usig ang nag-iimbestiga sa kaso ng mga mamamahayag. Hindi na sana hintayin pa ni Cacdac na may mangyari sa mga mamamahayag sa Rizal bago siya kumilos.

Kay PNP chief Dir. Gen. Raul Bacalzo naman, itapon mo si Raymundo sa Mindanao at doon niya gamitin ang pagkaasintado sa baril at hindi sa mga mamamahayag. Tinatawagan ko rin si National Press Club (NPC) president na si Jerry Yap na gumawa ng hakbang para mabalian ng sungay ang hambog na si Raymundo. Pasahod siya ng mamamayan kaya nararapat batikusin sa maling ginagawa at purihin kung mabuti ang serbisyo.

ANG TASK FORCE USIG

ART CACDAC

BONG SOLA

CAINTA

CAMP CRAME

JERRY YAP

RAYMUNDO

RIZAL

TATA RUDY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with