^

PSN Opinyon

Asan si Bacalzo?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAG-EXPAND na naman ng kanyang perya operation si alyas Tessie, ang untouchable na gambling lord sa Batangas. Humahangos ang espiya ko sa pagreport na ang bagong peryahan ni Tessie ay nasa Mauban, Quezon at sa San Pablo, Laguna. Ewan ko lang kung bagyo pa si Tessie kina Sr. Supt. Eric Velasquez at Sr. Supt. Gilbert Cruz, ang provincial director ng Quezon at Laguna. Pero kung ang pamamayagpag ni Tessie sa ibang lugar maliban sa Batangas ang gagawing basehan, lumalabas na bagyo talaga siya kay PNP chief Dir. Gen. Raul Bacalzo. Teka nga pala. Nasaan si Bacalzo? Sandamutak na ang krimen sa Metro Manila at probinsiya subalit wala pa akong naririnig sa kanya. Ano ba ang programa niya laban sa kriminalidad? Eh kung itong drop ball at color games sa peryahan ni Tessie hindi maresolba ni Bacalzo, kriminalidad pa kaya?

Sa Cavite, tuloy ang pag-orbit ng tropa nina Rico Posadas at Landong Bulag, na mga kolektor ni Sr. Supt. John Bulalacao. Makikita palagi sina Posadas at Landong Bulag, na umano’y reporter ng DZRH, sa mga peryahan nina Ramil sa San Juan, Gen. Trias; Egay Lumagui sa Malabon, Gen. Trias; Jessica sa Area F. Dasmarinas; at Mac-Mac sa Grand Riverside sa Gen. Trias din. Mukhang hindi kayang tanggihan ni Bulalacao ang P400,000 weekly collection nina Posadas at Landong Bulag. Anong say mo Cavite Gov. Junvic Remulla?

Sa Rizal, tuloy ang ligaya ni Sr. Supt. Manuel Prieto, dahil umiikot pa rin sina SPO4 Rudy Abion alyas Tata Rudy, pati ang mga bataan niyang sina PO2 Raymundo, PO1

Stephen Bagsik, PO3 Luis Jomok at ang bagong recruit na si PO1 Bryan, na pawang naka-assign sa regional intelligence division. Imbes na ang kalaban ng bansa tulad ng NPA at mga criminal ang habulin, ang gambling lords ang hinahanap nitong tropa ni SPO4 Abion. Ang masakit, ang mga nakulimbat nilang mga video karera machines ay ikinakalat ni PO2 Raymundo sa Cainta at Taytay. Bantay-salakay pala si Raymundo. Ang masama pa, hindi lang si Prieto ang ipina¬ngolekta ni Abion sa lotteng ni Bong Sola at terembi ni alyas Rosie kundi pati ang media. At sa pagkaalam ng espiya ko, si Prieto lang ang binibigyan ni Abion. Fireman pala si Abion at hindi pulis. Abangan!

vuukle comment

ABION

AREA F

BACALZO

BATANGAS

BONG SOLA

CAVITE GOV

LANDONG BULAG

RAYMUNDO

SR. SUPT

TESSIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with