^

PSN Opinyon

Ugnayan nina Brillantes at Ampatuan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

SUSUGOD umano ang kamag-anakan ng mga biktima ng Maguindanao massacre sa Commission on Appointment (CA) upang tutulan ang pagkakatalaga kay Co-melec chairman Sixto Brillantes. Si President Noynoy Aquino ang nagtalaga kay Brillantes sa Comelec.

Marami ang napakunot-noo kung bakit napabilang ito sa administrasyon ni P-Noy. Malaking hamon ito sa mga biktima ng Maguindanao massacre dahil si Brillantes ay abogado ng pamilyang Ampatuan. Ang pamilyang Ampatuan ang sinasabing utak sa pamamaslang sa 57 katao kabilang na rito ang 32 mediamen noong Nobyembre 23, 2009

Si Brillantes ay naging abogado ni Andal Ampatuan Sr., sa pagka-governor ng Maguindanao noong 2001. Yumabong pa ang samahan nina Brillantes at Ampatuan Sr., hanggang kay Zaldy Ampatuan noong 2008 Autonomus Region on Muslims Mindanao (ARMM) election. Matagal siyang naging kakampi ng mga Ampatuan sa pagpapa-lakas ng kanilang imperyo sa ARMM.

Noong Enero 2011, ibinulalas nina Myrna Reblando, biyuda ni Manila Bulletin correspondent Bong Reblando; Editha Tiamzon, maybahay ni UNTV crew member Daniel Tiamzon; Noemi Parcon, asawa ni Pronterra News publisher Joel Parcon at Reynafe Castillo, anak ni Midland Review photographer Reynaldo Momay ang kanilang pagkadismaya kay P-Noy sa pag-appoint nito kay Brillantes. Ngunit binalewala lamang ito ni P-Noy.

Ayon pa kay Gng. Reblando, pakiramdam nila ay natraydor sila ni P-Noy, dahil inindorso pa niya ang presidential bid nito. Malaking dagok sa paghahanap nila ng hustisya ang paghirang kay Brillantes sa Comelec. Para kina Gng. Reblando, hindi nararapat maupo sa kapangyarihan ang mga katulad ni Brillantes na bayarang abogado ng warlord families.

Abangan ang magiging resulta ng CA.

vuukle comment

AMPATUAN

AMPATUAN SR.

ANDAL AMPATUAN SR.

AUTONOMUS REGION

BONG REBLANDO

BRILLANTES

COMELEC

DANIEL TIAMZON

MAGUINDANAO

P-NOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with