Ang pamana ng Emperador
Noong araw sa emperyong China
kutsara’t tinidor ay hindi kilala;
Mga tao noon kung kumakain na
kinayas na kahoy ang pangsubo nila!
Kung walang kawayan ay sanga ng kahoy
ginagamit nilang kutsara’t tinidor;
At nang maghari isang emperador –
gusto n’ya’y mabuhay sa habang panahon!
Immortal na buhay ang kanyang hinangad
kung kaya pinulong lahat n’yang alagad;
Ipinag-utos n’yang siya ay ihanap –
pampahabangbuhay na kanyang pangarap!
Sanlibong tauhan kanyang inatasang
gumala sa mundo at maraming bayan;
Malayong Africa huling napuntahan
at doo’y nakita “pangil” ng elephant!
Natuklasan nitong mga naghahanap
itong “ivory tusk” ang hanap na lunas;
Kapagka may lason pagkain sa hapag –
nag-iibang kulay – umiitim agad!
Kaya bitbit nila nang sila’y umuwi –
pawang elephant tusk mataas ang uri;
Agad iniutos ng Intsik na hari
sanlaksang chopsticks ang agad mayari!
Magmula na noon magpahangga ngayon
sa mga kainan sa bayan at nayon;
Ang Chinese chopsticks ang nasa komedor
siyang ginagamit kutsara’t tinidor!
Pumasok ka noon sa mga restaurant
na ang nagma-manage Cinese na mayaman;
Kutsara’t tinidor hindi kailangan
sapagkat chopsticks ang doo’y daratnan!
Nagtagal ang buhay nitong Emperador
pero nang tumanda namatay din noon;
Ang kanyang pamanang kutsara’t tinidor –
chopstick na gamit magpahangga ngayon!
- Latest
- Trending